Bata pa lang ako non madami na kaming nararamdaman dito sa lugar namin, kahit sa syudad to. Di mo talaga maiiwasan na makaexperience neto. So ayun nga, 2 yrs old daw ako nung may nakikipaglaro sakin na mga lamang lupa, syempre bata ka pa non kaya ka napaglalaruan. Hanggang sa paglaki ko around 5 or 6. Naglalaro kami kaming mga magkakaibigan sa bahay na bakante umalis na kasi mag asawa don at may anak na lalake. Mga 3 lang yung bata non or 2 sa pagkakatanda ko nung umalis sila. Dahil daw yun sa multo, babae ang nagpapakita sa kanila.
Ginaya nung multo yung asawang lalake ng pulis na babae, akala nung misis nya nasa sala ang asawa nya pero ang totoo ay humihilik na ito sa kwarto nila kasama ng anak nila. Kinausap pa raw nya ito kung bakit nasa sala pa at laking gulat nya noong pagtingin niya sa kwarto ay humihilik na ito. Kaya umalis sila sa bahay na iyon.
Habang ginagawa naman ang bahay na iyon para sa mga rerenta, naglalaro kami doon. Kumakanta pa ng "MAY UWI SI NANAY SA BAHAY" Nakailang ulit namin iyon kinanta nang may biglang sumabay sa amin na boses, bigla kaming nagtakbuhan non. Inulit namin yon ng ilang araw saka nagpakita yung babae sa bintana, kitang kita namin yung anino nya. Kaya di na kami bumalik sa bahay na yon.
Si ninang naman ay nagpadespidida dahil aalis na sya patungong abroad non. Around 12-2 na daw nung matapos sila nang makita ng ninang ko ang may pugot na ulo na nakatayo sa harap ng bahay namin sa may poste. Nawala raw agad ang kanyang pagkalasing ng makita iyon. Sumunod din si kuya bingo. Bumili lang ng yelo nang makita nya rin ito kumaripas daw sya ng takbo.
Ang sumunod naman ay ang tiktik, di namin alam kung saan galing e. Buntis kasi kapitbahay namin, nung magccr daw sya nagulat sya nung may dilang mahaba na para bang nakaabang na kay ate. Kinuhanan nya ito ng picture kaso di ko nakita dahil sa sobrang takot ko. Sabi pa nga nila may manananggal daw doon dahil narinig ng sarili kong ate ang pagaspas ng pakpak non.
May lola naman kami dito na manggagamot at may akay sa likod na si St. Anthony daw. Marami syang alaga na hayop, may baboy, may manok, may aso at noon ay may pusa sila. Nanganak yung baboy, ilang araw pa lang na lumilipas, nagkasakit ang mga biik. Nagtaka raw sya at nakausap yung lalaking nakatira sa puno nyang malake. Pinaparusahan daw nya si lola dahil 4 am pa lang daw ng umaga ay nagwawalis na daw si nanay eh wala namang nagwawalis ng ganon kaaga dahil ganun din ang gising namin. Namatay lahat ng biik.
Sa kabilang iskinita naman, merong anino na nagpapakita. Sobrang lakas daw nito at laging tumatambay daw sa 4th flr ng mga bahay or 3rd flr.
About dito sa ausmolo kasi dati daw itong balon na tinatapunan ng katawan na ginahasa ng mga hapon. Kaya daw marami ring nagpapakita rito.
Di naman gaano nakakatakot to diba? Pero swear pag kayo ang nakaexperience neto at dito kayo tumira matatakot din kayo hahahaha.
P.S. Nag cr ako kanina may naramdaman ako sa cr namin hahahaha
QueenBie
Pasig City