Past life

274 6 0
                                    

May 2016 nung tumira ako sa bahay ng tita ko, hindi ko pa dala lahat ng damit ko nun, bale uniform at ibang gamit sa school pa lang. Meron silang dalawang kwarto. Yung sa unang kwarto dun natutulog si tito, tita pati yung anak nilang bunso kasi matatakutin yun at ayaw talagang humiwalay sa kanila. Tapos sa pangalawang kwarto dun mag isang natutulog yung pinsan ko na panganay nila, dalawa lang kasi silang magkapatid. Sabi ni tita dun na daw ako matulog sa kwarto ng pinsan ko kasi mag isa lang naman sya dun. Medyo close naman kami ng lalakeng yun kaya okay lang atsaka dalawa naman yung kama. Sa unang gabi ko dun kwento sya ng kwento sakin about sa mga napapanaginipan nya. Sabi nya wag daw ako maweirdohan sa kanya kasi totoo daw lahat ng sasabihin nya.

Edi nag umpisa na syang magkwento. Sabi nya araw araw daw iisang eksena lang yung palagi nyang napapanaginipan, World War. Nakasuot daw sya ng pang sundalong damit tapos nakikipaglaban daw sya pero sya na lang mag isa, as in wala na syang makitang ibang sundalo na buhay. Minsan pa nga daw nagigising sya ng madaling araw kasi kinakapos sya ng hininga tapos masakit yung dibdib nya, ulo pati ibang parte ng hita nya. Parang may bumaril daw sa kanya. After namin magkwentuhan natulog na sya nun pero ako gising pa kasi nagffacebook ako sa phone.

Siguro 2 am na yun nung bigla syang bumangon tapos umiiyak. May binabanggit syang pangalan ng kung sino sinong tao pati yung si Commander Lor (or Lohr) daw patay na, pinatay daw. Hindi ko magets kung ano yung mga sinasabi nya pero napansin ko na tinitignan nya yung buong katawan nya na parang may hinahanap sya. Nung nakita nyang nakatingin ako sa kanya bigla syang nagsalita na ""Ate sumuko na sya pero pinatay pa rin nila!"" tapos humagulgol. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong sinasabi nya at wala akong ideya kung ano man yung napanaginipan nya. Pero eto lang yung naging malinaw sakin, nagsearch ako at dun sa mga lumabas na result eto yung nabasa ko.

""Alexander Lohr was Commander in Chief in Southeast Europe beginning in Dec. 1942. As C-in-C Lohr controlled all subordinate commands in southeast Europe, Serbia, Salonika-Aegean area, Southern Greece and Fortress Crete. At the end of the war, HE SURRENDERED TO YUGOSLAV PARTISANS; Later, HE WAS TRIED AS WAR CRIMINAL IN BELGRADE AND SHOT IN 1947 for ordering the Bombardment of the Serbian capital in 1940""

Sushi

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon