My Auntie was still alive PART I

1.3K 14 1
                                    

Hi Spookifiers! Dahil nga wala akong masyadong ginagawa ngayon, eto, lemme write a story na kinuwento sa'kin ng mother ko.

My mother is from Iloilo. Alam naman natin na may mga di pangkaraniwang mga nilalang na nakikita doon, right?

So eto na nga, nagkwentuhan kami ng mother ko. Nasabi ko sa kanya yung ilan sa mga stories na nabasa ko dito sa page na 'to. Then, nag-umpisa siyang magkuwento about her older sister (12 sila, pangsiyam si mama, pangwalo naman si tita) na tawagin na lang natin sa pangalang Elle.

May seaman daw na nagkagusto nun sa aunt ko but this seaman ay di nakikita, alam nyo na yung ibig kong sabihin. So, meron ding barkong di nakikita nun sa pampang.

My aunt got ill. Di nila malaman kung anu-anong sakit ang dumapo nun sa auntie ko. Before pala siya nagkasakit nun medyo tabain pa siya nun, but nung nagkaroon nga ng sakit unti-unting nangayayat. Then, their parents (lola't lolo ko) dinala yung tita ko sa kung saan-saang albularyo, kahit malayo dinadala pa rin nila lola't lolo ko gumaling lang siya. Di nila dinala sa kahit anong hospital dahil nga mahirap lang ang pamumuhay noon, walang pambayad at baka lalong lumalala. Yun na nga, iisa lang ang sinasabi ng kahit sino mang mapuntahan nilang albularyo nun. May gusto ngang kumuha sa tita ko nung mga panahon na yun, pero di naniwala, sina lola't lolo.

Until she left. My auntie had died after few weeks nun. Inembalsamo siya dahil nga sa sinabing paniniwala ng lola't lola ko nun. Nung inembalsamo yung tita ko nun wala ni isang dugo ang lumabas, tanging malapot na kulay dilaw na di umanoy parang likido lang ang nahawakan ng embalsamador, pero di nakakapaso. So dun na nga talaga naniwala ang lahat.

One midnight, sa lamay, biglang nagpakita si tita Elle. 'Twas my tita Fhe (pang-anim sa kanila) na nakakita, lahat nakatulog maliban sa kanya. 'Bakit niyo inembalsamo ang katawan ko?' wika ni tita Elle kay tita Fhe. May pamahiin daw kasi na kapag namatay ang isang tao sa di malaman na kundisyon, maaring bumalik ito sa kanyang nakahimlay na katawan. Pero nga naka embalsamo ang labi ng tita ko, 'di na ito muling makakabalik. 45 days daw yung lamay nun sa tita ko, so maski ako nagulantang nung nalaman ko.

Hanggang ngayon palaisipan sa akin 'tong kinuwento sa akin ng mama ko. At dahil dito, napag-isipan kong isulat sa page na ito.
Hanggang dito na lang, mahirap magpaliwanag, lalo na't di ako magaling magkuwento. Hahahaha. May mga gusto pa 'kong ishare pero soon na lang 'yon. Maraming salamat sa mga nakabasa at mga ikocomment niyo.

Note: Maniwala man o hindi, pero isa ang mama ko sa mga nakasaksi sa mga nangyari about sa tita ko.

Eyz

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon