ALAM KO NA ALAM KO NA ALAM KO NA. PERO HINDI PA RIN AKO MAKAPANIWALA. #&#&@@($(@)@! $&@)%*$(! Yan capslock para dama nyo nararamdaman ko. Sh*t na malagkit mga brad hindi kinaya ng brain cells ko ang nalaman ko. Information overload, nagkaka wrinkles ang gorgeous pes ko, I can't. I just can't. Parang minassacre utak ko in alphabetical order.
Binisita ako nila Sam, Adam tapos yung abnormal na si Cas. Babae yan si Cas, kaya hindi ko ginamit yung pangalang Castiel, kay Sam at Raphael kasi una sa supernaturals may bromance na nagaganap kay Dean at Cas. Loyal ako sa kuya ko totoo kaya andami kayang nagshiship sa kanila sa tumblr hahaha. Sabi ni Dean sakin dati, pangalawa, mas tugma talaga sa pagkatao ni ano yung pangalang Cas. Tapos kasi ang balak ko talaga nung una akong magconfess pagkatapos ni Dean at Sam at Raphael, isusunod ko yung mga weird na kaibigan namin ni Dean. Pero etong si Adam atat na atat atang masapak ako ni Sam kaya sabi nya hulaan ko na. Magbanggit daw ako ng supernatural creatures na alam ko. Kung ano ano na binanggit ko. Nagresearch pa talaga ako, punta ako saglit sa may pisonet.
Halos lahat na ata ng philippine mythological creatures nabanggit ko na, kasama yung mga asa creepypasta pero wala. Bungisngis, amomonggo, balbal, ek ek, kapre, tyanak, jersey devil, wendigo, chupacabra, jeff the killer. Wala wala talaga pati si Slenderman nadamay. Tapos nung ang binanggit ko yung akala ko kakornihan lang, ni sa hinagap di ko naisip na ganon yung mag 'pinsan', di ako fan ng mga ganon kasi parang ang hirap paniwalaan. Biglang nakipag lips to lips ako sa pader, muntik ng magkapalitan yung mukha ko tapos yung pader, ang swerte nung pader pag nagkataon. As promised eto na si Raphael, may pahintulot eto ni kulot kaya lang madami syang pina edit, wala kong magawa, kumikilos katawan ko ng hindi ko mapigilan. Pero nung umalis na sya, inedit ko ulit pero yung mga pinabura nya di ko na tinype. Baka paikutin nya 360 degrees leeg ko eh. Tapos nakakaubos ng riyatsu dat mga nasa 6k words eto eh.
Nangyari eto pagkatapos nung nangyari sa bcourt.
Nag mala detective conan ako nung malaman kong ka batch sya ni Sir Gadreel. Balak ko pupunta ako ulit ng highschool para magtanong kay Sir, pero pag uwi ko galing ng univ, andun na si Sir, ka chismisan si nanay.
Dahil nalaman pala ni Sir na kaibigan ko si Sam, na ""pinsan"" ni Raphael, gusto nya samahan ko syang pumunta kila Sam para kausapin si Raphael na umattend ng alumni homecoming. January na nun, ilang buwan na lang april na, si Sir yung president ng batch nila. Kinabukasan pagkatapos ng last subject ko, maaga pa mga alas dos ng hapon, pumunta na ko kay Sir. Inaayos nya yung makina ng owner nyang panahon pa ni kopong kopong sa bcourt. Nagpakwento ako tungkol kay Raphael.Eto na mga bibei. Kaklase nga ni Sir, mula 1st yr hanggang 4th yr. Magkasunuran apelyido nila kaya sa seatplan lagi silang magkatabi. Matalino daw si Raphael, nag eexcel sa lahat ng subject, biruin nyo yun. Undisputed pang math wizard ng apat na taon. Pero may problema, hindi supportive magulang nya. Dapat ilalaban sya pang nationwide, pero hindi sila pumayag kahit yung principal na yung kumausap, pati gastos school ang bahala pero hindi sila pumayag. Nasasayangan lahat nun kasi may pag-asa na sanang makamit ng school ang championship pero yun nga.
Si Raphael din daw tahimik, hindi pala salita. Si Sir nun, loko-loko happy go lucky, tamad mag-aral. Madalas napapalabas sya, pinapatayo sya sa corridor pag di sya nakakasagot pati pag bagsak sa quiz. Third year daw nun, nagwarning yung teacher nila sa math na kung hindi sya mag improve, pronto ibabagsak sya. Kaya laking pasalamat nya kay Raphael kasi habang nag eexam, sinitsitan sya. Nung pagtingin nya nakaharap sa kanya yung papel. Kumopya sya pero hindi lahat, kumbaga sakto lang para pumasa sya. Para walang mag violent reaction.
Paglabas ng result ng lahat ng exams nila, pasado sya. Sa sobrang tuwa nya kasi hindi sya masasapak ng tatay nya na teacher din doon dati, nilibre nya si Raphael. Mula nun hindi man sila nag uusap madalas, naging magkaibigan sila. Si Raphael daw dati, pag pumapasok, gusot yung polo, kulang kulang butones pati yung pantalon bitin sa kanya, tsinelas nya rambong pudpud. Hindi rin nila nakikitang nagrerecess, naglalunch peo laging mag isa, ayaw siguro magbigay ng ulam. Minsan papasok din daw syang may black eye, may pasa o kaya galos. May mga linggo na hindi sya pumapasok. Naiiyak na lang daw yung terror nilang teacher kasi kawawa si Raphael, nung pinuntahan daw nila kasi dati, ayaw talaga ng magulang nyang mag aral pa sya.