Ahas na may perlas sa bungangaWell pinapanganak na ako nito pero baby pa ako ng mga panahon na to.
Lagi kasi sakin kinikwento ni Mama about this certain weird snake na gustong gusto akong makuha.
Katanghalian daw noong baby pa ako at inaalagaan ni Mama nang bigla daw may sumulpot na malaking ahas sa harap nya (FYI gising siya noon tapos bigla na lang nagpakita ang ahas na yun).
Malaki yung ahas at may malaking perlas daw yun sa bunganga nya at ang sabi nito sa kanya ay ""Ibibigay ko ang lahat sayo, lahat ng pera at kayamanan"". Tinitigan daw nya ang ahas at napasimangot at tinanong kung ano daw ang kapalit, ang sagot ng ahas ay ako daw.
Nagalit si Mama at tinanggihan ang alok ng ahas. Doon parang naalimpungatan daw siya habang nakatayo siya sa harap ng crib ko.
May mga matatanda daw siyang nasabihan at sinabi sa kanya na sana tinanggap daw niya ang alok ng ahas dahil bibihira lang daw itong magpakita. At ang dating napag-alukan ng ahas ay talagang yumaman at sinuwerte.
Di na lang daw niya sinabi na ang kapalit ay ako pero tatlong beses daw siyang inalok ng ahas at ang huli daw ay yung magtatatlong taon ako.
Pero hanggang ngayon ay buhay pa rin ang maganda niyang dilag at naghahasik ng lagim (Charot).
Pero madalas akong pagsimbahin dahil noon pala ay lagi daw akong nilalapitan ng maligno.
Yung lang at stay safe readers. Wag kayong matakot sa banyo ninyo, chismakers lang ang nandidiyan nakikibasa din xD
-Baliw Na Tanga-