Hilig ko talaga magjog sa madalim at konting tao. Sa tuwing tumatakbo kasi ako, nakiclear ang mind ko. Nakakarelax at of course, masaya after dahil sa endorphins. Nagjajog ako sa oval ng university namin, tahimik at kapag weekends lang may tao. Minsan may nakakasabay ako pero usually wala talaga kaya doon ako nalalagi magjog..
... dati.
Isang gabing 'di ko talaga malimutan.
It was an ordinary wednesday night. Past 9 na 'ko nakarating nun, sinabihan pa 'ko ni kuyang guard na bilisan na at mag10pm na. 10pm kasi magsasara na ang main gate ng university namin. Knowing na may 30 min. na lang ako, 'di na 'ko nakapagstretching or warm-up. Binilisan ko na lang takbo ko para pagpawisan agad.
After a few minutes, nagstop ako sa starting point ng pang 100m. Napapikit pa 'ko nun sa pagod. Maya't maya, sa midst ng katahimikan may parang papalapit nun na jogger. Rinig ko yung tunog ng sapatos nya. 'Di ko nilingon kasi wala lang, wala naman ako pakialam haha. Hanggang sa nakaamoy ako ng sunog. Syempre sunog = emergency. Lingon lingon ako. Pagtingin ko sa likod ay 'T*ng *n*! May taong nasusunog. P*tch* parang human torch! Immediate response ko tumakbo palayo. 'Di ko man lang tinulungan jusko! Ewan ko ba. Natakot ako eh! Nakabuntot lang sya sakin. Ambilis na ng takbo ko nun, paglingon ko bigla isang metro na lang sya sakin! Abot kamay nya na 'ko! Hingal na hingal na 'ko non! Inaabot nya na ako! P*t* feeling ko nun mamamatay na ako!
Hanggang sa paglingon ko ulit, dumampi na ang nasusunog nyang kamay sa likod ko.. napapikit na lang ako nun. Ramdam na ramdam ko yung init at inaanticipate ko na yung sakit, pero walang pain, init lang. Kitang kita ko rin mukha nya.. hindi defined pero yung kita ko lang yung nakabukas nyang bibig na parang sumisigaw pero walang sound.
Hanggang sa pagmulat na pagmulat ko, l*nt*k! Andun pa rin ako sa starting point ng pang 100m!!! Hingal pa rin ako, amoy sunog pa rin. Dali dali umalis na ako p*tch* baka masampolan ulit ako.
Pag-uwi ko, sympre maliligo. Yung buhok ko amoy sunog. Pag-alis ko ng ipit ko, nabawasan yung length ng buhok ko kaya chineck ko agad likod ko. Jusko! Nag-iwan ng mark yung human torch. Mapula sya, vague, walang form. Dinaan ko sa ligo, kudkod, sabon, lotion. Lahat na! All I know that time was that I need to get rid of that mark. Pero wala until now, nasa likod ko pa rin sya. 'Di ko maintindihan ang nangyari or kung ano man ang meaning behind all these. For two years, walang nangyayaring kakaiba. Or maybe.. wala PA.
PS. May similar experience ka rin ba sakin? Pls patulong naman. Nakakaparanoid din kasi.
Jogger
Bicol