My Auntie was still alive PART II

598 9 0
                                    

Okay okay okay! Kokey! Hello hello hello! Sorry kung nailito ko ulit kayo. HAHAHAHAHAHA

Namali lang ako ng intindi dun sa 'embalsamo' achuchuchu na yun. Nung una kasi akala ko cremate meaning nun. So, hindi po lumiit yung ataul niya. HAHAHAHA (Ambubu ko noh?!)

So eto na nga, umabot pala ng 45 days yung burol nung tita ko dahil hinintay pala ang pagdating ng kapatid ng lola ko galing Mindanao, pero hindi ito nakarating dahil nagkaroon daw nun ng giyera.

Nangyari pala ang pagpapakita ng umanoy kaluluwa ng tita ko ng tanghali sa may bahay na ng lola ko after nila makauwi galing libing. ""Bakit niyo pinayagan sila nanay na ipa-embalsamo ang katawan ko?"" Yan ang tamang pagkakabanggit ni tita Elle kay tita Fhe, habang naka arms forward eto't nakalutang sa di kalayuan. Mahimbing na natutulog ang lahat habang nag-uusap sina ni tita Fhe. ""Hindi namin alam na babalik ka pa, minadali ang pag-embalsamo sa'yo nila nanay dahil wala na silang nakitang senyales na babalik ka"" wika ni tita Fhe.

Biglang naglaho ang nasa harapan ni tita Fhe. Simula nun di na nagpakita pang muli si tita Elle, pero alam nilang nasa paligid lang ito, pero maaari ring wala na ito at isinama na ng mga engkanto.

Mahirap paniwalaan at masakit isiping wala na si tita Elle, pero sabi nga maaring nandyan lang siya, sa lugar kung saan siya kinuha, sa probinsya --- sa Iloilo.

Maraming salamat sa mga nagkomento at nagtaka sa lahat ng mga pinagsasabi ko. So, can we proceed to other stories ko? HAHAHAHA
Sige po, maraming salamat muli at God Bless sa inyo! (lumipad) HAHAHA

Eyz

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon