Hindi siya ang kapatid ko

273 5 0
                                        

Isa ito sa mga tunay at nakakatakot na pangyayari sa buhay ko. Tanda ko pa higshchool student pa ako noon. Nasa bahay lang kami at madilim na. Kasama ko sa loob ng bahay ang mama at mga kapatid ko. Nanunuod kami ng t.v. nang oras na iyon. Nang biglang namatay yung t.v at yung ilaw. Ako yung naunang lumabas dahil alam kong kapag nasa dilim may makikita talaga akong hindi maganda at nakakatakot. Dahil nung highschool pa ako, hindi ko pa kasi alam kung paano ikontrol ang kakayahan kong makakita ng espiritu, mga ligaw na kaluluwa at mga engkanto.

Nakalabas na kami at pinagpasyahan namin na mag camp fire sa labas. Dahil maliwanag sa labas ng bahay namin napansin yun ng mga kapitbahay naming mga bata at nakisama na rin sila. Dahil ako ang pinaka ate sa kanila at halos isang oras na at hindi pa bumabalik ang kuryente. Para di kami mabore masyado napagpasyahan kong maglaro kami ng tagu taguan. Sabi nila ayaw nila kasi masama maglaro ng tagu taguan kapag gabi pero nag insist ako sa kanila at nagsimula ang laro.

Yung kapitbahay namin yung unang taya. Lima kaming naglalaro nun. At sabi ko sa kanila na maaari silang magtago sa loob ng bahay namin. Nagsimula na ang laro, tahimik na ang paligid at alam kong nagtatago na sila. Pumasok ako sa loob ng bahay namin at dumiretso sa kwarto. Hindi na masyadong madilim sa loob ng bahay dahil abot yung ilaw na galing sa labas sa loob ng bahay dahil nakabukas ang mga bintana. Sobra ang tuwa ko nung oras na yun dahil kasama ko sa loob yung nakababata kong kapatid na babae. Nakaharap siya sa pinto at nakangiti. Kitang kita yung gums niya dahil sa sobrang laki ng ngiti niya. Napangiti rin ko.

Naglakad ako palapit sa kama at sumalampak doon. Napansin kong nandun pa rin ang kapatid ko at nakangiti. Ramdam kong tumatayo ng ang lahat ng balahibo ko sa katawan, hindi ko alam kung bakit. Hindi ako nakaramdam ng takot dahil kasama ko naman ang kapatid ko. Nakaharap siya sa akin at hindi gumagalaw. Nagtaka ako. Close kasi kami ng kapatid ko at dapat tumabi na siya sa akin. Sinabi ko sa kanya ""Halika Lhy, tabi tayo. Sigurado ako hindi nila tayo mahahanap dito sa kwarto natin""
Pero di siya sumagot at nakangiti pa rin. ""Ano bang problema mo? Nakakatakot ka na?!"" sabi ko sa kanya. Hindi pa rin siya umimik, nakangiti pa rin pero naglakad na siya palapit sa akin. Grabe na ang pangingindig ng balahibo ko.

Malapit na siya sa akin nang biglang narinig ko yung sigaw ng kapatid ko sa labas ng bahay. Boses yun ng nakababatang kapatid kong babae at sinisigaw niya ang pangalan ko. Napatingin ako sa batang babae na nasa harapan ko. Nakatayo ito, nakangiti pa rin at hindi kumukurap ang mga mata niya, ni paghinga niya hindi ko naririnig. Doon ko napagtanto na hindi ito ang kapatid ko. Dali dali akong bumangon at tumakbo palabas dahil sa takot.

Mitsuha

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon