Hello Spookify readers haha! Kwento ko lang yung naranasan ko nung grade 6 pa ako. 🙂
Bali nasa 1st section ako nun nung elementary ako, grade 6. And kailangan naming magstay sa school hanggang 7 ng gabi para magreview. Friday to nangyari. Nung pauwi na ako, may madadaanang playground bago ako makarating sa bahay. Marami namang pwedeng daanan, though yun lang talaga pinakatrip kong daanan lagi haha. Ayan nung nasa may playground na ako, syempre tahimik, medyo madilim kasi medyo malayo yung street lamp dun sa playground. May nakita akong lalaki na nakatalikod sa swing/duyan. Medyo may kakaiba lang sa kanya nun, yung kamay niya nasa paa, then yung paa nasa may braso niya. Langya kinikilabutan pa rin ako everytime na naiisip ko yun.
Di ko alam nung time na yun pero may humahatak sa aking lapitan siya. Nung malapit na ko sa kanya, unting-unti na lang mahahawakan ko na siya, biglang may tumawag sa akin mula sa likod. Kaibigan ko, tinanong niya ano raw ba ginagawa ko dun sa may playground, sabi ko wala may tinitignan lang. Then niyaya niya ko na sabay na kaming umuwi since iisang building lang naman yung tinitirhan namin. Habang pauwi kami, bigla siyang nagsabi na "Alam mo ba every friday dito sa atin may gumagala na aswang". After niyang sabihin yun, tsaka lang nag sink in sa akin yung nakita ko nun sa playground.
Paano kung nalapitan at nahawakan ko yung lalaki sa playground? Pano kung di ako tinawag nung kaibigan ko? Hahayst.
-Hatter