Bully

295 5 0
                                    

Nung 2nd yr highschool pa lang ako, kasama ako sa grupo ng kalalakihan sa school namen. Kahit babae ako one of the boys ako. Lima kaming magbabarkada, itago na lang naten sila sa pangalang Mark, RJ, Ralph at Inigo. Mga lalaki sila kaya panigurado na malakas sila mang asar.

Magkakaklase kami. May kaklase kaming lalaki na laging nakasimangot na lagi naming inaasar. Yung nga asar na "sped" "abnormal" yung mga ganun tas lagi pa namen binabatok batukan. I was young back then kaya parang ayos lang saken yon. Lagi namin yun ginagawa. Hindi nabubuo ang araw namen pag di namin sya naaasar.

Pero pagdating ko ng college, inilipat ako ng nanay ko ng school. Hindi na ako sa manila. Nasa rizal na ako pero dahil matibay yung pagkakaibigan namen, lagi kami nag s-skype. Halos araw araw. Lagi nila ko kinukwentuhan tungkol sa pang aasar nila dun sa laging nakasimangot.

Pero syempre tumatanda kami kaya narerealize ko na parang mali na. Pero hinayaan ko lang sila. Magkakaklase pa din sila kahit college na. Pare pareho sila ng kinuhang kurso. At nagkataon din na kaklase nila yung guy na laging nakasimangot.

September 7, 2015, gabi non. Tinawagan nila ako sa phone. Nagroroadtrip daw sila non gamit kotse ni RJ. Birthday kase ni Mark kaya pede sila magliwaliw. Nakuwento nila saken sa phone na sa sobrang pang aasar nila dun sa lalakeng laging nakasimangot, umiyak daw bigla tas sinabihan silang "BABALIKAN KO KAYO!" Tas tumakbo daw palayo. Nangyari daw yun nung umaga lang bago sila nagroadtrip.

"Dat kasi tinigilan nyo na yung pang bubully. Asan ba kayo nagpupupunta?" sabi ko sa kabilang linya kay Ralph.

"Yaan mo yun. Lanamang kwenta yon. Ewan haha gagi tong si Inigo eh. Di naman pala alam daan tapos lakas ng loob magmaneho" sagot saken ni Ralph.

Nag aalala ako para sa mga kaibigan ko kase gabing gabi na at naliligaw pa sila. Nakarinig ako ng malakas na kalabog sa kabilang linya.

"Ralph ano nangyayare, okay lang ba kayo?" Tanong ko.

"WAIT LANG. MAY BUMULAGA SA HARAP NG KOTSE NAMEN." Sabi nya

"Ha? Anong bumulaga?"

"AAAAAHHHHH!!!! LUMAYO KA SAMEN! Papatayin ko ka---*toot*"

Yun yung huli kong narinig mula sa kabilang linya. Tapos kinabukasan chinat ako ng mga dati nameng kaklase na patay na daw ang nga kaibigan ko. Namatay dahil daw naaksidente sa kotse. Pumunta ako non sa burol nila. Di ko mapigilang hindi mapaluha. Umalis din agad yung mga dati naming kaklase kase may isa pang burol silang pupuntahan. Nagtaka naman ako kaya tinanong ko kung sino. Sabi nila ay namatay daw nung umaga yung lagi namin inaasar bago yung gabing nadisgrasya ang mga kaibigan ko. Suicide daw ang kaso nuong lagi namin inaasar kase nagbigti daw ito sa kwarto nya.

Alam kong may kinalaman yung inaasar namen sa pagkamatay ng mga kaibigan ko. Naniniwala akong hindi aksidente sa kotse ang kinamatay nila batay dun sa mga huling salita na narinig ko sa phone.

Nashare ko lang to kase death anniversary na nila sa september 7.

Chiqueee

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon