Maraming uri ng demonyo. May pang witchcraft, fame, wealth, etc. Pero sa akin, Demon of emotions...
I was admitted in the hospital dahil nakunan ako. Ang taksil kong kaibigan at ex ang may pakana ng lahat. Lahat ng pagkain na hinahatid ni ex sakin nung kami pa ay may halo palang pampalaglag. After 1 week of confinement, namatay ang nanay ko at tumakas ako sa hospital dahil di pa ko pwede lumabas. Natanggal na nga sa trabaho, napeste pa ang farm namin. Agad ding ipinalibing ang nanay ko. Mag isa na lang ako ngayon sa buhay at nang akoy matutulog na pagkatapos umiyak dahil nga depressed na ko masyado, may napanaginipan akong lalaki - tawagin natin syang Aru. Hindi ko maalala lahat ng sinabi nya basta ang natatandaan ko eh nag offer sya sakin na sumama ako sa kanya para makapaghiganti sa mga nagtaksil sa akin. At sinagot ko syang Diyos na ang bahalang magparusa sa kasalanan nila. Pero sinagot nya ko na mapagpatawad daw ang Diyos, nasa bible pa nga daw yun kaya pano daw sila paparusahan. Siya lang daw ang may kakayahang magparusa dahil God won't harm anyone daw. Mejo um-agree ang half part ng mind ko then sabi nya maswerte ako at binigyan nya ko ng chance to do revenge. Di ako nakasagot nun then nagsalita sya ulit at sinabing it's ok to hate everyone with no exception. Sya lang at walang iba ang makakatulong sa akin, panigurado nya. Dagdag pa nya, maaari ko makuha at gawin lahat ang gusto ko pag sumama ako. Sa panaginip ko, pumayag akong sumama kaso nung niyakap nya ako, di ako makahinga at makagalaw, walang boses kahit sumigaw ako tho I managed to wake up by moving the thumb of my feet at nahingal ako. Mejo natakot na ko matulog in the next days kasi baka mangyari na naman kasi yun ulit.
I started to hear whispers. Napansin kong nakokontrol ako pag nalulungkot ako or nagfflashback ang mga hindi magandang nangyari sa buhay ko. And the worst, it's leading me to kill myself tho I'm not aware of it! May times na pag naiisip ko ang p*t*ng*n*ng past ko eh natutulala ako at di ko talaga alam kung bakit may hawak hawak na lang akong kutsilyo. Minsan sa terrace sa taas ako nakatayo na akmang tatalon pero parang may sisigaw ng name ko at babalik ako sa katinuan. Inisip ko nun na baliw na ako kaya nagdecide akong magpacheck up kinabukasan. Napanaginipan ko ulit si Aru at sobra ang tawa nya. Sinabi nyang nakakaawa ako dahil di man lang ako tinulungan ng Diyos na sinasamba ko sa manipulation nya. Inexplain nya sakin ang kakayahan nyang gumanti at gumawa ng kahit ano. Hindi raw ako baliw. Nag offer sya ng foods sa akin pero wala akong gana. He opened up about those taksil. He said ang saya saya na daw nila at nagpplanong magpakasal na at pag nangyari yun, magkakababy sila with matching chase sa facial expression nya at the way he said it. Nag offer sya sakin ng ability to kill it pag nabuntis pero nagalit ako sa kanya dahil di ko kayang pumatay. Pero bago pa ko mag walk out sa room kung nasan kami, lumapit sya sakin at sinabing ""Di nga nila inisip ang mararamdaman mo nun at dinamay ang kawawang laman mo"". Gusto nyang iparamdam ko sa kanila ang naramdaman ko at hirit pa nya bago sya nawala eh ""Mapagpatawad at maintindihin ang Diyos. Pagkakataon mo na ito."" at tuluyan na syang nawala. Umiyak ako ng di ko alam at nagising ako bigla. Weird, nakatayo ako malapit sa pinto ng kwarto ko at umiiyak.
Nagkape ako at nanood ng tv. Nagcommercial ang Pangako Sayo. Naisip ko ang character ni Amor Powers at parang naisip ko ang sarili ko. Na OA ako agad feeling ko relate kami khit hindi. Nakatulog ako after a while at ayan ulit sya. Sabi nya gawin kong inspirasyon si Amor at motivation ang anak ko para gantihan sila (Gawa ko scenario sa convo namin)
Aru: Birthday mo bukas. 23 ka na. Mag aral ka ulit. Sumama ka lang sakin magagawa at makukuha mo lahat.
Me: Sige nga pahingi ng 20k pambayad sa utang ko sa last school para makapag aral muli.
Aru: Bingo! *With matching smile sa mukha*.Nagising ako. Inisip ko yung bingo. Literal kaya na laro yun o inakala nyang sasama na ko sa kanya? Bumili ako ng scratch panalo after ko mag grocery. Oo, habit ko na talaga yun and bingo! Nanalo nga ko ng 20k. Naalala ko si Aru. Umuwi ako at agad natulog at napanaginipan ko nga sya. We talked about it hanggang sa malayo na ang napuntahan ng kwentuhan namin.
May ipinakita syang mga mukha sa akin. At ang mga yun ay ang mga killer sa ibang kamag anak kong namatay. I found out na bestfriend ng close cousin ko ang nag utos para patayin sya (work related). I freaked out! I want to kill him. Aru said, go ahead. Tutulungan nga kita diba. Nagising ako. I think about it. Pinilit kong matulog ulit at yun nga bumalik sya sa panaginip ko at pumayag na ako. We have rules and he discussed those one by one.1. Worship Satan
2. Do not kill anything except human
3. Attack when they attempt something bad
4. Do not complain on what you have
5. Be careful what you wish. Once wished, automatic it will be granted. But there are limitations
6. When you use a power, or on a fight, make sure not to lose a battle. Or else, everything you have will be eliminated.
7. Have no mercy
8. Do not share what you have to anyone
9. Once you quit, you die. Once you fail, you suffer
10. Human sacrifice every anniversary
11. Manipulate the feelings of others and turn them into a prospect without knowing anything what you have
12. Who knows about this must be killedAru: hiwain mo palad mo at pumirma ka.
Gagawin ko na sana kaso biglang may sumigaw ng sobrang lakas sa pangalan ko at nagising ako.
Itutuloy.....
PS. Yung nasa rules, hindi yan ang eksaktong nakasulat. Yan ay shinortcut at trinanslate ko lang
Akame