Extra Sensory Perception

266 6 0
                                    

Wait, ano nga ba ang kakaiba sakin?

Simula ng bata pa ako, lagi kong nararamdaman na may kakaiba sa akin. Since grade school madalas ko nalalaman kung ano ang mangyayari sa susunod na oras o araw. Dati akala ko normal lang kasi nga bata pa ako pero nung tumagal at tumungtong na ako ng high school, year 2010 mas lalong lumala. Malakas ang kutob ko at sense kung may masama bang mangyayari o wala, naiisip ko agad ang nangyayari at kung papaano ito mangyari.

Sabi ng mga kaibigan at kaklase ko, may dilang anghel daw ako kasi kung ano lumabas sa bibig ko ayun ang mangyayari. Minsan may mga bagay naman sa paligid na nakikita ko at yung mga bagay na yun na tumatak sa isip ko ay merong koneksyon sa mangyayari sa susunod na oras o araw. Kadalasan nagdadasal na lang ako na sana wala, hindi magkatotoo lahat ng nasa isip ko at sana mawala ito sakin. Ewan ko kung papaano ko ito nagagawa, basta ang alam ko kung ano pumasok sa isip ko at kung ano binigkas ng bibig ko, ayun ang mangyayari.

Pero hindi pa dyan nagtatapos. Nakakaranas din ako at nakakaramdam ng mga mamamatay bukas o sa susunod na araw. Pero twice pa lang nangyari sakin yung ganung scenario. Nakakaramdam ako ng mga taong nakatingin sakin kahit hindi ko nakikita, alam ko din madalas kung ang tao ay masama o mabait kahit hindi ko pa nakakausap o nakikita  sa personal. At higit sa lahat, nakakaramdam din ako ng mga spirits pero di ko nakikita.

Ngayon 3rd year college na ako, mabuti at nabawasan na at paminsan minsan na lang. Nagsearch ako tungkol dito, kung ano ang tawag sa phenomenon na ito. Nalaman ko na ito ay tinatawag na Extra Sensory Perception, the ability to know things (Such as what another person is thinking or what will happen in the future) that cannot be known by normal use of the senses.

Ikaw meron ka rin ba nito?
Hindi ba ako nag iisa?
Papaano masolusyunan ito?

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon