Kabanata 2

304 50 40
                                    

Namangha, nangarap

"Humahanga ako sa'yo kanina 'tol."

Napatingin ako sa aking katabi nang magsalita siya.

"Loki Yap pala."

"Mateo Sebastian," sagot ko bago tinanggap ang kanyang pakikipagkamay.

"Akala ko talaga ay magkakaroon ng labanan kanina at sasali ka," nakangisi niyang sabi. "Aaminin ko, nakaramdam ako ng kaba dahil sa mga sinabi sa akin ng mga studyante. Grabe! Ngayon lang ako nakakita ng ganoon katapang na babae. Wala akong makitang takot sa kanyang mga mata. Sa tingin mo ay mananalo kaya siya?"

"Hindi ko alam. Hindi ko naman siya kilala," sagot ko habang tinitingnan ang mga taong nandito sa loob ng auditorium. Maraming magsasanay ngayon, karamihan ay mga lalaki.

"Gusto kong mapanood kung gaano siya kalakas. Sigurado akong hindi siya titigilan ng mga lalaking 'yon. Mukha pa lang nila ay mambubully na. Nasisiguro ko ring tayong mga baguhan ay hindi makakaligtas sa kanila, lalo ka na."

"Hindi ako pumasok dito para maghanap ng away. Ang layunin ng bawat isa ay magtraining para maging handa sa panahon na kailangan nating lumaban."

"Kung sa bagay, tayo na lang ang umiwas sa gulo."

"Good afternoon, future warriors of Amian!"

Napatingin kami sa babaeng nasa entablado. Binati naman namin siya nang pabalik.

"Alam kong marami sa inyo ang hindi gustong magtraining, lalo na sa parte ng mga babae pero pasensya na mga anak. Mandatory ito ng buong Amian. Kailangan nating magsanay sa pakikipaglaban hindi para gamitin sa ano mang bayolenting paraan. Nandito tayo dahil mahal natin ang bayan at mamamayan. Misyon nating protektahan ang bawat isa sa hinaharap. Kailangan nating maging handa. Ang bawat isa ay bayani kung ang puso natin ay mabuti, tama?"

"Tama!" sagot naman naming lahat.

"May dalawang uri ng pagsasanay na pwede ninyong pagpilian. Una, pagsasanay para sa misyon. Artikulo 5 - mga batas para sa mga Amianian. Seksyon 1 - mandatory na magsanay ang babae at lalaki ng dalawang taon ng basic martial arts, arnis, paghawak ng baril at espada. Dalawang taon kayong mananatili dito sa loob ng hindi nakikipag-ugnayan sa inyong pamilya at kaibigan. Makakalabas lamang kayo pagkatapos ng pagsasanay. Ang bawat sakrapisyo ay may mabuting maidudulot."

Kawawa naman ang kapatid kong babae kapag siya na ang magsasanay, sobrang hinhin pa naman nun.

"Pangalawa, pagsasanay para sa propesyon. Artikulo 5 (Seksyon 2) - sa bawat pamilya ay may isang meyembro, lalaki o babae man, dapat itong magtrabaho at maging mandirigma para sa bayan. Seksyon 3 - may eksemsyon ang mag-asawang walang supling at mga espesyal na tao. Seksyon 4 - magreretiro lamang kapag nasa limampung taong gulang at kapag may malubhang sakit."

Bakit kaya ganito ang batas namin? May darating bang digmaan? May aatake ba sa aming bayan? At higit sa lahat, ano bang meron sa labas ng Amian?

Alam ko ang bawat batas ng Amian dahil pinag-aralan namin ito. Mula noon ay nagtatanong na ako kung bakit ganito kahigpit ang pamumuno ni Apo. Sa world history namin ay maraming digmaan ang nangyari. Maraming malalaking bansa ang sumasakop sa iba pang bansa. Maraming taong naging alipin ng walang kalaban-laban at naghihirap. Hindi masama ang maging handa pero bakit hinahayaan ni Apo ang ibang Amianian na pumunta sa ibang bansa? Paano kung maghirap sila doon? Hindi ko makakalimutan ang araw na una akong nagkaisip ng ganito.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon