Kabanata 39

65 15 5
                                    

Emosyon

Wind POV

Tatlong araw na mula nang dumating kami ng Amian. Binigyan kami ni Master Lorcan ng isang linggong pahinga pero dahil ninja kami ay wala sa amin ang salitang pahinga. Ang pagpapalakas ay walang katapusan, hindi dapat kami makaramdam ng paghihina dahil kami ang una sa lahat ng mga mandirigma.

Kailangan naming tumambay sa sarili naming headquater, hindi para magtrabaho kundi para magsanay. Dito ay may sarili kaming gym at shooting area. May tatlong palapag ang aming headquarter, para na namin itong bahay dahil mayroon kaming sariling kwarto. Ang aming katuwaan pagkatapos magtraining ay tumambay sa bar at maglaro ng bilyard o kaya ay makipagkarerahan. May sari-sarili kaming kabayo, ito ang isa sa paborito naming laro ni Storm.

"Yah!" sigaw ko sabay sipa sa puti kong kabayo. Hindi ko alintana ang mga matataas na damo at putol na punong kahoy. Mabilis ang aking pagpapatakbo at halos hindi ko na makita ang daan ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil ang nasa isip ko ngayon ay manalo sa larong ito. "Yah! Windy bilisan mo pa!"

Kabisado ko ang kagubatan kaya alam ko ang pasikot-sikot dito. Desidedo akong talunin ang mayabang na Storm na 'yon. Tsk, hindi porket mataas ang rango niya sa akin ay gagawin na niya akong alipin. Puwes! Hindi mangyayari iyon! Kung hindi ko man siya matatalo sa martial arts, hindi naman siya mananalo sa karera.

"Yah! Ahahaha! Matatalo na kita Wind!" sigaw niya. Kaunti na lang ay mauuna na siya sa akin.

"Libreng mangarap ng dilat Storm!" Sinipa ko ulit nang malakas si Windy. Napangisi ako nang malayo na naman ako sa kanya ng ilang pulgada. Natatanaw ko na ang malawak naming ground. Nagdiriwang na ang aking isip sa pagkapanalo pero natigilan ako nang makita ang paparating na palaso. Mabilis akong yumuko at ilang ulit na napamura nang dumaan ito sa ibabaw ng aking ulo, matunog dahil sa bilis nito. Sinundan ko ang paglipad nito at hindi nga ako nagkamali, tumusok ito sa gitna ng pulang bilog. Bwesit! Ginawa kaming pain. Naiinis akong lumingon kay Thunder.

"What the heck! Damn you Rain!" malakas din na sigaw ni Storm.

Katulad ko ay ginawa rin siyang pain ni Rain. Wala ring sablay ang hinayupak dahil sa gitna rin ito tumusok.

Thunder and Rain are princes of archery.

Kaya rin naman namin pero ang dalawang 'yan ay wala talagang naliligaw na palaso, except Lightning. She is a queen of all princes and princesses. Si Lorcan pa lang ang nakakatalo sa kanya. If Lightning is a queen of all forces, Master Lorcan is a god of it. Hindi pa isinilang ang makakatalo sa dalawa.

Hinila ko ang renda ni Windy nang makarating ako sa finish line. Itinaas niya ang dalawang paa sa unahan dahilan para mapatihaya ako. Tila, nagdiriwang siya sa pagkapanalo namin. Kahit naiinis ako sa dalawang ugok na ginawa kaming pain sa laban nila ay hindi pa rin maibsan ang saya na aking nararamdaman. Saya dahil sa pagkapanalo.

This is my 107 wins toward Storm. Talo ako sa iba naming laban pero ayos lang dahil may mas loser pa kaysa sa akin, at iyon ay si Storm.

"Paano ba 'yan, ako pa rin ang panalo?" pang-aasar ko sa kanya nang dumating siya.

"Tsk, hambog!"

Hindi mabura-bura ang aking mga ngiti nang bumaba ako kay Windy at sumunod sa kanya. Nakakatuwang inisin si Storm. Nakakaganti na rin ako sa mga pang-aasar niya.

"Nakakahiya ka Storm, natalo ka sa isang babae lang," pang-iinis ni Rain nang makalapit kami sa kanila. Natatawa akong naghigh-five sa kanya.

"F***k you, Rain."

"No need dude."

"Damn you all!"

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon