Batas ng Amian
Amanda POV
Pinasingkit ko ang aking mga mata habang nakatingin sa telescope. Sinusubaybayan ko ang mga galaw ni Mr Wood. Ikatatlong araw ko na ngayon sa Manila at ilang ulit ko na rin siyang sinusundan. Umiinit ang aking ulo kapag nakikita ko ang mga babae niya kahit mayroon na siyang sariling pamilya. Kung hindi ko lang kailangan ng ibedensiya ay matagal ko na siyang pinapatahimik pero hindi ko siya pwedeng galawin hanggat wala akong sapat na ibedensiya. Mayduda akong may makapangyarihang taong nasa likod niya. Hindi pa naman ako nakakalapit sa kanya, nagbabantay pa lang. Mamaya ay muli kong papasukin ang bahay niya.
Tiningnan ko ang aking orasang pambisig. Kalahating oras na akong nakaupo dito sa kotse, binabantayan ang hinayupak na nasa loob ng restaurant. Nakapatong ang mga paa ko sa manobela. Medyo nakahiga ang aking sandalan habang binabasa ang files na aking nakuha sa bahay ni Wood.
Isa siyang negosyanteng Fil-Am. Mayamang tao ngunit nadismaya ako nang makita ang isang document na naglalaman ng transaksyon sa droga. Pati droga ay pinasok niya makakuha lang ng milyon. Hindi niya iniisip ang mga taong masasagasaan. Mawawasak ang buhay ng iba samantalang nagpapaligya siya sa perang kita sa kasamaan.
Napatiim-baga ako nang maalala ang tatlong banyaga na aming nahuli. Oras na malaman kong nagpuslit sila ng droga sa Amian, sisingilin ko ang buhay nila pati ang apo nila sa talampakan. Wala akong sasantuhin. Kung anong kasalanan ng puno ay damay ang mga sangga. Walang sinuman ang pwedeng bumangga sa akin. Walang sinuman ang wawasak sa bayang aming inalagaaan.
Mainit ang ulo kong bumaba ng sasakyan. Kailangan ko nang kumilos. Pasimple akong dumaan sa sasakyan ni Wood ngunit may tatlong bodyguard ang nakabantay dito. Hindi ko magawa ang aking pakay, pumasok ako sa loob ng restaurant.
"Good evening to LJ restaurant, ma'am," bati sa akin ng guard.
Tinanguan ko siya. Nilibot ko ang aking paningin para hanapin si Wood. Napakuyom ang aking kamao habang papalapit sa mesa nito, bitbit ang maliit na listening device. Dahan-dahan akong sumabay sa babaeng waiter at pasimple siyang pinatid sa paa dahilan para madapa siya papunta kay Mr. Wood.
"What the hell!" galit na sigaw ng lalaki nang mabuhusan ang kanyang damit ng wine. Nanlilisik ang mga mata niyang tumayo.
Hindi napansin ni Wood ang aking pagdaan sa tabi niya dahil sa galit niya sa waiter. Mabilis ang mga kamay kong nilagay ang micro listening device sa bulsa ng kanyang amerikana suit.
"I-I'm s-sorry po sir," natarantang sabi ng babaeng waiter. Inis siyang tumingin sa akin ngunit bigla siyang natigilan, napakurap at hindi na lang ako pinansin. Muli siyang humingi ng pasensya kay Wood.
Napalayo ako nang magsilapitan ang kanyang mga bodyguard.
"You're son of the b***! A reckless poor waiter! Hindi ka ba nasabihan sa eskwater ninyong lugar na huwag maging tanga sa ganitong lugar?"
"S-sorry po talaga s-sir. H-hindi ko po... sinasadya."
"Calm down, honey."
"No! She ruined our night! Call your manager! Dapat tinatanggal sa trabaho ang mga katulad mong bobo!"
Natigilan ako sa paglalakad at inis na tumingin sa kanila. Lahat ng tao dito sa loob ng restaurant ay nakatingin sa eskandalo na ginagawa ni Wood. Galit na galit siya habang tinuturo ang babaeng nakayuko habang umiiyak.
Napakuyom ako ng aking kamao. Wala akong pakialam!
"Where is your manager?" galit nitong sigaw dahilan para hindi ko mapigilan ang aking sarili.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Historical FictionMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...