She's back
Mateo POV
Nilalabanan ko ang masamang titig sa akin ni Amanda. Naka-cross ang aking mga braso habang nakatayo sa kanyang harapan. Ganun din siya, ngunit ang mga mata niyang walang emosyon noon ay nagkaroon ng galit ngayon. Siya pa ang may ganang magalit. Ako itong mamamatay na sa kahihintay sa pagbabalik niya pero putek si Loki pa talaga ang una niyang pinuntahan.
Kung hindi pa sinabi sa akin ng aking assistant nurse ay hindi ko pa malalaman na nakauwi na pala siya ng Amian at nandito sa hospital. At kung hindi ko pa siya hinila papunta dito sa aking opisina ay wala siyang balak na magpakita sa akin. Wala ba talaga siyang pakialam sa akin para hindi ako puntahan?
"Bakit kay Loki ka unang nagpakita?" nakasimangot kong sabi.
"Bakit hindi ba pwedeng sa kanya ako unang magpakita?"
"Alam mong sa U. S. pa lang ako ay gusto na kitang makita."
Napakunot ang kanyang noo. "Bakit mo ako gustong makita?"
"Bakit nga kay Loki ka unang nagpakita? Mas importante pa ba ang rason mo kaysa sa akin para siya ang una mong puntahan?"
"Tangjuice! Paulit-ulit ka na lang. Gaano ba kaimportante ang rason mo para ikaw ang una kong puntahan?"
Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi makakaila ang inis na nasa boses niya. Masakit para sa akin na wala akong halaga sa kanya. Alam kong hindi ako importante sa kanya pero sana man lang ay maramdaman niyang may gusto ako sa kanya.
May oras siyang magpakita sa ibang lalaki samantalang sa akin... Damn it! "Sinisigawan mo na ako Amanda."
"Ikaw ang unang sumigaw."
"Naiinis ako dahil si Loki ang una mong pinuntahan."
"Bakit ka ba nagagalit na siya ang una kong pinuntahan?"
"Dahil nagseselos ako. Putek na selos 'to! Hindi mo alam kung gaano katindi ang selos na nararamdaman ko ngayon, Amanda. Miss na miss na kita pero hindi mo talaga naisip na puntahan ako at ipaalam na nagbalik ka na ng Amian."
Hindi siya nakasagot. Dumaan ang pagkalito sa kanyang mga mata. Bumuka ang kanyang bibig ngunit walang lumabas na salita mula dito. Gusto kong tiisin si Amanda. Gusto kong maramdaman niya ang pangungulila na nararamdaman ko pero putek ayaw makinig ng aking katawan. Kusa itong lumapit kay Amanda at niyakap siya ng mahigpit.
Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Isang yakap ko lang sa kanya ay wala na ang lahat ng pagtatampo ko. Gusto kong manatiling ganito ngunit mahina niya akong tinulak at naniningkit ang mga matang tinititigan ako.
"Kasalanan mo ito. Ikaw ang dahilan kung bakit nararamdaman ko 'to."
Napakunot ang aking noo sa pag-aakusa niya sa dahilang hindi ko alam. "Bakit? Ano bang ginawa ko? Sa pagkakaalam ko ay wala akong ginawa sa'yo. Ikaw pa nga ang may atraso sa akin."
"Kung wala kang ginawa ay hindi ko sana nararamdaman 'to."
Napabuntong-hininga ako bago siya hinila sa sofa para makaupo. "Tell me, ano bang kasalanan ko para magalit ka sa akin?"
"May sakit ako sa puso."
Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Halos magkandarapa ako sa pagkuha ng aking aparato na nasa ibabaw ng aking mesa. "Ano bang pinagkakain mo sa Pilipinas? Pinapagod mo ba ang sarili mo at hindi nagpapahinga? Bakit mo hinayaang magkasakit ka Amanda?" naiinis kong sabi habang pinapakinggan ang puso niya. Mabilis ang pintig nito. Mabilis na mabilis na parang walang kapaguran. "Masakit ba? Hindi ka ba makahinga? Anong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Historical FictionMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...