Top-secret mission
Itigil n'yo na Mateo!
Itigil n'yo na Mateo!
Malungkot kong isinuklay ang aking daliri sa aking buhok. Nahihirapan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin. Limang araw na ang lumipas nang makausap ko ang babaylan at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang sinasabi niya. Parang may sariling tainga na kusang naririnig ang kanyang sinisigaw.
Takot, pangamba at galit ang aking nararamdaman. Takot para sa amin ni Amanda. Hindi ko kayang mawalay pa siya akin. Naiisip ko pa lang na hindi siya magiging akin ay parang pinapatay na ang aking puso.
I want to be with her forever. I want to build our own family, cherish my life with her, laugh with her and share my sorrow. I want to be in her side in every minute of my life. Being with her is the desire of my lonely heart.
Ngunit nangangamba rin naman ako sa ano mang mangyayari. Baka maulit nga ang digmaan. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag bumagsak ang aming bayan. Hindi ko kayang marinig ang daing niya kapag nawalan siya ng mga mamamayan.
Ano ang dapat kong gawin? Sino ang dapat kong isakraspisyo? Kapag ipinagpatuloy namin ang pagmamahalan ni Amanda, ang pinakamamahal naming Amian ang magdurusa. Maraming masasaktan ngunit hindi rin ako handang bitawan ang babaeng dahilan kung bakit ako nabubuhay. Hindi ko kayang isakrapisyo ang aming pag-iibigan.
Muli ay napasuklay ako sa aking buhok. Nakakagalit na hindi patas ang buhay. Bakit kami pa ni Amanda ang napili niyang pagtripan? Bakit ang iba ay sobrang masaya samantalang kami ay nagdurusa? Ano bang nagawa naming mali para parusahan kami ng ganito? Ang hinihiling lang naman namin ni Amanda ay mahalin ang isat isa pero bakit kay hirap ibigay sa amin iyon? Wala ba kaming karapatan na makaramdam ng kaligayahan at pagmamahal?
Napaigtad ako nang may humawak sa aking kamay na nakapatong sa mesa. Naipikit ko ang aking mga mata bago sinalubong ang seryosong titig ni Amanda.
"Kanina ka pa nakayuko habang tulalang nakatingin sa'yong mga kamay."
Hindi ako nakasagot. Bakit hindi mo naaalala ang nakaraan natin Amanda?
"May problema ka ba Mateo?"
Pilit akong ngumiti habang umiiling. "Pagod lang ako." Hindi ko pwedeng sabihin sayo dahil alam kong maguguluhan ka lang.
Nakatitig lang siya sa akin. Hindi kumbensido sa aking sinabi. "Huwag mong abusuhin ang sarili mo. Ipagpaliban mo na lang ang inutos ni papa. Napaamo mo na rin naman ang isang kabayo. Ang isa ay sa susunod mo na gagawin."
"Hindi. Ayos lang ako."
"No. Inaalagaan mo pa si Master Tan. Tapos may duty ka pa sa hospital. Hindi mo na pinagpapahinga ang iyong katawan. Ayaw kong magkasakit ka..." Napangiti ako. "...dahil hindi ako marunong mag-alaga."
Ngiti na nawala dahil sa karugtong ng sinabi niya. "Iyon talaga ang pinu-problema mo? Akala ko pa naman ay ayaw mo akong magkasakit dahil mahal mo ako."
"Well, that's my second reason," sabi niya sabay tayo.
Napasimangot akong sumunod sa kanya. Niyakap ng aking mga kamay ang kanyang baywang habang tinitikman niya ang kanyang niluluto.
"So hindi ako ang first priority mo?"
"Yes."
Inis akong kumalas ng yakap. Pinaglakihan ko siya ng mga mata. "Proud ka talagang sumagot! Hoy! Amanda, tao ka pa ba? Bakit walang kasweet-sweet sa'yong katawan?"
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Historical FictionMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...