Kabanata 10

111 28 4
                                    

Ang hari at rayna ng legion

Mateo POV

Ilang araw na akong hindi masyadong nakakatulog. Simula nung araw na nagalit sa akin si Amanda ay palagi na akong wala sa sarili. Pakiramdam ko ay malaki ang kasalanan ko sa kanya at kailangan kong humingi ng tawad. Gusto ko lang naman siyang tulungan. Hindi ko naman alam na masyadong malaki pala ang galit niya para maapektuhan siya ng sobra sa sinabi ko. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya lalapitan.

"Ilang araw ko nang napapansin ang mala-kalbaryo mong mukha," sabi ni Loki nang matapos namin ang 50 rounds jogging.

Napabuntong-hininga akong umupo sa lupa. "Pagod lang."

"Kahit araw ng linggo?"

"Bakit ba lagi na lang ako ang napapansin mo?"

"Bakit, hindi ko ba pwedeng pansinin ang kaibigan ko?"

"Siraulo!" pinalo ko sa kanya ang dulo ng aking armas nang magpa-cute sa akin ang loko.

Tumawa siya pero sabay kaming natigilan nang bumukas ang malaking gate ng Saferiane at pumasok ang grupo ng mga kalalakihan. Nakasuot sila ng uniporme ng mga sundalo at dala ang mahahabang mga armas.

"Marco, alam mo ba kung sino ang mga 'yan?" hindi nakatiis na tanong ni Loki.

"Syempre naman, tungkulin ko bilang anak ni Commander Cua na mangalap ng impormasyon para sa ating mga inferior, para naman alam natin kung sino-sino 'yung ahead sa atin," pagmamayabang nito. "Iyan ang unang batch ng mga S-class na nag-intern service. Nakita n'yo yung lalaking nasa gitna."

Napatingin kami sa lalaking itinuro niya. Siya ang nauunang naglalakad sa buong grupo na parang leader ng mga ito.

"Siya si Thunder Cua, ang hari ng legion."

"Woah! Ibig sabihin kasing lakas niya ang rayna ng legion?" namamanghang tanong ni Loki.

"Hindi ako sigurado kung sino ang mas malakas sa kanila pero sa tingin ko, siya dahil lalaki siya samantalang babae pa rin si Amanda."

"Walang kapantay ang lakas ni Amanda. Sa tingin ko, patas lang sila." Napangiti ako nang maalala ang babae.

"Ang lakas ng tama mo sa kanya."

"Hindi ganun 'yon, humahanga lang ako sa kanya," natatawa kong sagot sa sinabi ni Marco.

"Sinasabi ko na nga bang crush mo si Amanda. Putek 'tol, nahulog ka sa mabatong bangin."

Napapailing ako at iniba ang usapan. "Kaano-ano mo ang hari ng legion?"

"Tsk, change topic agad. Oo nga naman pare, kaano-ano mo nga 'yang si Thunder," sabat ni Loki.

"Pinsan ko sa pang-apat na henerasyon. Aaminin kong malakas siya pero kung kasing tanda ko sana siya, siguro mas malakas pa ako kaysa sa kanya."

"Tara na teo, nagugutom na ako." Tinapik ako ni Loki sa aking balikat bago tumayo.

Sumunod din naman ako.

"Tangjuice kayo, ang lakas ninyong mang-bad trip!" sigaw ni Marco.

"Kahit anong pangarap mo d'yan pare ay hindi ka magiging malakas katulad ng pinsan mong nauna sa'yo ng ilang mga taon!" pabalik na sigaw ni Loki.

Hindi ko na pinansin ang bangayan ng dalawa. Naiisip ko na naman si Amanda. Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan, kung paano ako hihingi ng tawad.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon