Kabanata 57

49 9 0
                                    

Ang pagsubok ng Datu

Mateo POV

Sinamahan ako ni Amanda sa kanilang kwadra. Nanlilisik ang mga mata ng dalawang mababangis na kabayo habang nakatingin sa amin. Maiingay na parang nagmumura. Nagsimulang sumipasipa, parang sinasabi nito na kapag lumapit kami ay tatamaan kami sa kanilang mga paa.

Nakangisi si Amanda nang lingunin ako. "Ano kaya mo ba?"

"Kakayanin." Nakakakaba pero kailangan kong tatagan ang sarili upang magawa ko ang pagsubok na binigay sa akin ng kanyang ama.

"Oh."

Napakunot ang aking noo nang iabot niya sa akin ang isang maliit na bote at injection. "Ano to?"

"Pampakalma, pag-aralan mong mabuti ang bawat galaw ng kabayo. Kapag nakahanap ka nang pagkakataon ay lumapit ka at itusok ito sa kanila. Dahil dito ay manghihina ang buo nilang katawan ngunit maging alerto ka pa rin dahil kahit manghihina ang mga iyan ay agresibo pa ring patayin ka. Kapag nakasakay ka ay kumapit ka ng mabuti at paluin mo ng malakas ang mukha nito hanggang tumulo ang kanilang luha. Huwag kang huminto sa pagpalo hanggat hindi pa nanghihina ng tuluyan pagkatapos ay simulan mo nang turuan sa nais mo." Kinulong ng dalawa niyang palad ang aking mukha dahilan para kumalma ang kaba na aking nararamdaman. "Mag-iingat ka Mateo. Kapag nasaktan ka nila, hindi ako magdadalawang isip na itumba ang mga iyan."

Napalingon kami sa itim na kabayo nang sugurin nito ang bakal na pinto. Tila nagalit ito sa sinabi ni Amanda. Napatawa ako. "Tinakot mo kasi, nagalit tuloy."

"Sige na, pakawalan mo na 'yan."

Puno ng alerto nang buksan ko ang bakal na pinto ng itim na kabayo. Laking gulat ko nang bigla na lang itong tumakbo. Mabilis ko itong hinabol at hinawakan ng mahigpit ang lubid ngunit sa sobrang lakas ng hayop ay nadapa ako at nakaladkad. Mabilis ding nakalapit si Amanda at tinulungan akong itali ito sa puno at agad na lumayo. Para itong ulol na nakawala sa hawla.

Ilang ulit na napamura si Amanda nang tingnan niya ang mga sugat ko sa kamay at binti. Marahas siyang lumingon sa kabayo at agad naglabas ng baril na ikinalaki ng aking mga mata.

"Shit Amanda no!" Agad kong hinawakan ang kamay niyang may baril. Bakit ba siya nagdadala ng ganito?

"That damn hurt you."

"Sweetheart, kapag tinumba mo iyan ay hindi ko na magagawa ang utos ng iyong ama. Bad luck iyon at kapag hindi iyan namatay ay mas lalo akong mahihirapan dahil magiging mabangis 'yan."

Napabuntong-hininga siya ng malalim pero hindi pa rin nawawala ang talim ng mga titig niya sa hayop.

"Bukas mo na lang ito ipagpatuloy. Kailangan nating linisin ang mga sugat mo."

Bumagsak ang balikat ko sa sobrang dismaya. "Mukha ngang mahihirapan ako sa ganitong pagsubok."

"I trust you, I know you can do this."

Napanatag ang aking loob sa sinabi niya. May takot sa aking dibdib ngunit mas lamang ang pagkapursigido ko dahil kapag nagawa ko ito ay wala ng hahadlang sa pagmamahalan naming dalawa.

Napangiti ako nang sumandal sa aking dibdib si Amanda. Habang hawak ko ang renda ng kabayo ay mas lalo ko pa siyang kinulong sa aking mga bisig. Matapos niya akong gamutin kanina ay niyaya niya akong pumunta sa forbidden area, ang lugar kung saan sila namuhay ng grandmaster. Sakop ito sa lupa ng mga Trinidad at ang tanging nakaharang ay mga nagtataasang mga pader. Habang papaakyat kami sa bundok ay rinig na rinig ko ang bawat ungol ng mga lobo.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon