Kabanata 14

104 23 7
                                    

I meet you, again

Napangiti ako habang nakatingin sa aking dalawang lisensya. Professional Liscense for Cardiology and Professional Liscence for Surgical Oncology.

Ang munting pangarap ko noon ay unti-unti ng natutupad. Isa na akong doctor at nagkaroon na rin ako ng posisyon sa gobyerno. Alam kong malayo pa ang aking lalakbayin. Nasa hinliliit pa lamang ako ng daliri ng aking iniidolong doctor pero alam kong darating ang panahon na makukuha ko rin ang pinakamataas na rango sa medisina.

"Anak, katatapos mo lang sa pag-aaral. Magpahinga ka muna kahit dalawang buwan lang," malungkot na sabi ni mommy habang tinutupi ang mga damit ko sa maleta. "Tatlong taon ka naming hindi nakasama ng kapatid mo."

"Me, hindi naman ako pupunta ng ibang bansa. Lilipat lang ako sa condo."

"Malayo ang City of Apo dito sa atin."

"Pwede naman akong umuwi tuwing day off ko. At pwede rin kayong mamalagi ni Nicole dun kapag may oras kayo."

"Nakakatampo ka na. Dalawang buwan lang naman ang hiningi ko. Wala na nga ang inyong daddy, malayo pa sa akin ang anak ko."

Napangiti ako nang yakapin ko si Mommy mula sa kanyang likuran. "Huwag ka ng magtampo. Unang araw ko na sa makalawa sa pagiging imperial doctor. Ayaw kong masayang ang mga panahon."

"Oo na, alam ko namang hindi na kita mapipigilan basta mag-iingat ka lang palagi. Huwag magpalipas ng gutom, anak."

"Opo."

Tinulungan ko na sa pag-iimpake si Mommy. Kunting damit lang ang dinala ko para may maisuot pa ako kapag nandito ako sa mansyon.

"Nak."

"Huh?" Natigilan ako nang tumingin sa akin si Mommy na puno ng pag-alala "Bakit me?"

"Alam kong interesado ka pa rin sa pagkatao ni Apo pero nak--- don't you ever cross the line."

Ngumiti ako. "Don't worry me, hindi ko ipapahamak ang sarili ko."

Napabuntong-hininga siya. "You should keep your promise."

"I will."

Dumating ako ng tanghali sa city of Apo, ang capital ng Amian. Isa itong open city na pwedeng tumira ang mga negosyante, mga nagtatrabaho sa kompanya at sa gobyerno pero kapag retired na o wala ng dahilan para tumira rito ay kailangang umuwi sa sariling lugar.

Dumaan muna ako sa isang restaurant para mag-take out. Sa condo ako kumain pagkatapos ay nagpahinga. Mamayang gabi ay magkakaroon ng event sa palasyo para sa lahat ng nalukluk sa gobyerno. Official na magpapakilala si Apo. Kahit kinakabahan akong makita siyang muli ay hindi dapat ako magpahalata. Lalo pa at interesado ako sa pagkatao niya. Hindi lang 'yun, may isang tao rin akong gustong muling makita.

Nagising ako ng kumalat na ang dilim. Nagmamadali akong naligo at naghanda para sa pag-alis. Inis kong niluwagan ang aking neck tie. Para akong natetense, nae-excite at kinakabahan ng hindi ko na naman alam. Hindi naman ito date para sa babaeng kinababaliwan ko pero bakit hindi ako mapalagay?

Doctor ako na may kinalaman sa puso at alam kong normal lang ito lalo pa't unang pagkakataon itong mangyayari sa buong buhay ko. Unang event bilang isang imperial doctor pero hindi naman ganito siguro kakaba. Alam kong may iba. Hindi ko lang kayang pangalanan sa ngayon.

Pasado alas siete akong dumating sa palasyo. Matataas na pader ang sumalubong sa akin. Siguro nasa apat na palapag ng bahay ang taas nito. Walang sinuman ang makakaakyat maliban na lang sa mga ninja na may pambihirang bilis at galing. Katulad ni Amanda na parang pusa kung kumilos pero ang usap-usapan ay may laser at mga patibong daw na nakalagay sa ibabaw ng pader. Kaya kamatayan ang aabutin kapag pwersahang pumasok sa palasyo.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon