Ang laban ng mga lion
Damn!
Mabilis ang aking pagbangon nang marinig ang malakas na putok ng baril. Mabilis pa sa kidlat ang pag-alis ko sa kama at tumayo sa gilid nito. Sa aming barrack ay may apatnaput walo na meyembro. Syempre, iba rin ang barrack ng mga babae.
"Ang tagal ninyong gumising! Kung tanghali na kayong gumigising sa inyo, pwes ibahin n'yo dito sa kampo! Dapat pagpatak ng alas kwatro ay gising na kayo! Maliwanag!"
"Sir, yes sir!"
"Ang kupad mong kumilos, bakla ka ba?" sigaw ni Commander kay Marco na hindi pa nakakababa ng higaan. Double bed ang lahat ng nandito, sa itaas ng kama ko ay ang kama ni Marco.
"No sir!"
"10 push up!"
"Sir, yes sir!"
"Ikaw!" Napalunok ako nang tumapat si commander sa akin. "Bakit ka nakahubad? Ipinagmamayabang mo ba ang payatot mong katawan?"
"No sir!" Shit! Katamtaman lang naman ang katawan ko! Nagkandarapa akong nagbihis. Sanay kasi akong matulog ng walang damit.
"10 push up!"
"Yes sir!"
Unang araw pa lang ng training ay ganito na ang inabot ko.
"Matuto kayong dumisiplina sa lahat ng bagay! Inferior pa lamang kayo, saka na kayo magmayabang at gawin ang gusto ninyong gawin kapag umabot na kayo sa junior at senior! Lintik ang mga 'yon, kung kailan tumagal dito sa loob ng kampo ay saka pa nagiging pasaway! Hindi uubra sa akin ang ganoong mga ugali! Dapat igalang ninyo ang inyong mga superior at master! Maliwanag?"
"Sir, yes sir!" sigaw namin ng malakas at puno ng tapang.
"Ang patambay-tambay ninyo sa inyo ay huwag ninyong gawin dito! Bawal ang makupad at mahinhin! Sundin ang lahat ng protocol at higit sa lahat, itatak ninyo sa inyong puso at isip, as a warrior of Amian, we're not afraid to die but we would not allow death defeat us! Now say it!"
"We're not afraid to die but we would not allow death defeat us!"
"Louder!"
"We're not afraid to die but we would not allow death defeat us!"
"Ngayon ang unang araw ninyo! Inaasahan kong maganda ang inyong performance hanggang magtapos kayo ng pagsasanay! Tuwing 4:30 am ay gusto ko kayong makitang nagjo-jogging ng 50 rounds sa Saferiane training ground! Maliwanag?"
"Yes sir!"
"Now go!"
Ang pagjo-jogging ng 50 rounds sa napakalawak na ground ay sobrang nakakapagod. Wala pang isang oras ang training pero kinakapos na ako ng hininga. Nagpahinga kami ng 30 minutes bago pinagsabay sa pagligo, sabay na kumain, sa pagsubo, sa pagnguya at pagtootbrush. Lahat ng kilos namin ay binabantayan, kulang na lang ay sabay din kaming juminggil at tumae.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Fiction HistoriqueMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...