Zyrus Trinidad Sebastian
Umalingawngaw ang sigaw ni Amanda sa buong templo. Pinagpawisan siya at hinihingal dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang kanyang anak. Dalawang oras siyang nag-labor pero ayaw pa ring umalis sa kanyang sinapupunan ang sanggol. Pakiramdam niya ay masisira ang kanyang ari. Nasasaktan siya at nahihirapan. Ang kanya namang asawa ay natatarantang pinunasan ang kanyang pawis. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Mateo, tila dito siya kumukuha ng lakas.
"Lumabas ka na, anak. Huwag mo nang pahirapan si mommy," sabi ng kanyang asawa habang tinutulungan siyang mag-push sa kanyang tiyan.
"Isang iri pa Mrs, malapit na!" sabi ng babaylan.
Parang mapupugto ang hininga ni Amanda dahil sa huling iri na kanyang pinakawalan. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha ng marinig ang iyak ng bata. Nanghihina siyang pumikit nang maramdaman ang halik ng asawa sa kanyang noo.
"Thank you for giving birth to our son. I love you so much, Mrs. Amanda Trinidad Sebastian."
Buong puso siyang tumingin sa kanyang asawa. Gustuhin man niyang magsalita ay ayaw bumuka ng kanyang bibig dahil sa pagod. Binalot ng matinding saya ang puso niya nang pinadapa ng babaylan ang sanggol sa kanyang dibdib.
"Hi, anak. Welcome to the world. Mahal na mahal ka namin ng mommy mo at itataya namin ang aming buhay para sa'yo."
Hindi niya napigilan ang hindi mapaluha nang pumiyok ang boses ng asawa. Ito ang pinakamasayang pangyayari sa buhay niya, ang pagsilang ng kanilang anak ni Mateo.
"Napakalusog na bata. Anong ipapangalan ninyo sa sanggol?"
"Zyrus Trinidad Sebastian, mahal na babaylan," nakangiting sabi ng kanyang asawa.
"Nakuha niya halos ang sa iyo, Mat. Ang kanyang labi, ilong at pati hugis ng mukha. Wala man lang sa akin," nagtatampo niyang sabi ngunit nakangiti naman siya.
"Ako kasi ang pinaglilihian mo. Hindi bale, gagawa naman tayo ng little Amanda at siguradong kamukha mo na."
Nanlalaki ang kanyang mga mata dahil sa narinig. Halos mamatay siya sa pangangak ngayon at ang paggawa na naman ng bata ang nasa isip ng kanyang asawa. "Im not planing to have another child, Mateo. Masakit at tama na itong isa."
Natigilan ang kanyang asawa sa paglalaro sa mga daliri ng kanilang anak dahil sa narinig. "You're kidding, right?
"I'm serious."
Sa malayong lugar naman ay nanganak na rin ang babaeng bihag, kasunod lamang kay Amanda ngunit hindi ito masaya. Umiiyak ito kasabay sa pag-iyak ng kanyang bagong isinilang. Naaawa siya sa kanyang anak. Nadudurog ang puso niya habang inilalayo ito sa kanya. Gusto niyang pigilan ang mga lalaking kumuha nito ngunit wala siyang lakas para tumayo. Nahihirapan siya sa panganganak, parang naramdaman din ng bata ang kahahantungan nitong buhay, ayaw nitong lumabas sa kanyang sinapupunan.
Mas lalong nadurog ang puso niya dahil sa iyak nito. Iyak na parang nasasaktan. Hindi bale nang maghirap siya habang buhay. Maging alipin sa mga masasamang tao, huwag lang ang kanyang anak.
Pinilit niyang bumangon. Babawiin niya ang kanyang anak ngunit tila naubos ang lakas niya mula pa nung naging bihag siya at manatili sa impernong lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Fiksi SejarahMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...