Ang unang matinong pag-uusap
A-anong gagawin ko? Anong gagawin ko? paulit-ulit itong tumatakbo sa aking isip dahilan para lalo akong mataranta.
"H-hi," Lintik Sebastian! Mahahalata ka sa ginagawa mo! "Napakaganda pala dito, noh?
Hindi siya sumagot. Lihim akong napamura nang sumulyap siya sa templo bago tumitig sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang labanan ang klase ng kanyang pagtitig. Ganitong wala siyang emosyon ay mahirap hulaan. Mahina akong napabuntong hininga para pakalmahin ang mabilis na pagpintig ng akin puso.
"M-mateo Sebastian, naaalala mo pa ba ako?" Napangiti ako nang tumango siya ngunit bigla siyang napakunot noo at napahawak sa kanyang ulo. "Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong sabi. Hindi ako sigurado pero saglit na sumilay ang sakit sa kanyang mukha.
Hindi siya sumagot. Mali lang siguro, hindi basta-basta nasasaktan ang isang Amanda Trinidad. "It's nice to meet you again, Amanda." Hindi maganda ang huli nating pag-uusap, sana makausap kita ng matino ngayon. "So--- anong ginagawa mo dito? Ah, nagpapahangin ka rin ba? I mean, nagpapahangin din ako. K-kung ayos lang naman sa'yo na... makasama ako."
Lintik! Hindi niya yata naiintindihan ang sinasabi ko. "What I'm trying to say, k-kung ayos lang ba sa'yo na nandito rin ako?"
Ang awkward! Napaiwas ako ng tingin sa mapanuri niyang tingin. Blangko ang kanyang mukha pero alam kong may iniisip siya. 'Yan ang malaking problema dahil hindi ko mahulahan kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.
"Mas mahangin sa garden," sabi niya bago ako tinalikuran.
Napakunot ang aking noo. Ayos lang sa kanya? Ibig ba niyang sabihin ay pwede akong manatili sa tabi niya?
"Hindi ka ba sasama?"
What the--- ayos nga lang sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pagngiti. Takte! Hindi ko mapigilan ang pagngiti! Lalo na nang lumingon siya sa akin at parang hinihintay pa ako. Ang mabilis na pagpintig ng aking puso dahil sa kaba ay mas lalo pang bumilis, iba na yata ang dahilan.
Mabilis ang aking paglalakad papunta sa kanya pero sadyang minalas ako sa araw na ito. Nakalimutan kong may baitang sa aking daraanan dahilan para matapilok ako. Mabuti na lang ay mabilis na napasuporta ang aking isang paa para hindi ako tuluyang mapadapa. Isang malutong na mura ang aking pinakawalan habang napapahiyang napatingin kay Amanda. Ngumiti ako ng pilit ngunit bigla akong natigilan.
"T-tumatawa ka," hindi makapaniwala kong sabi.
Agad namang nagbago ang kanyang mukha at muling naging seryoso. "I'm not."
"Parang oo, pinagtatawanan mo ako."
"Hindi."
Napatawa ako nang mabilis niya akong tinalikuran. Takte! Napatawa ko ang babaeng bato. "Tumatawa ka dahil nag-iba ang boses mo. Kitang-kita ko sa mukha--- oo na, hindi ka na tumatawa," bawi ko agad nang tumingin siya sa akin ng masama pero hindi nakaligtas sa kanya ang pagsilay ng aking ngiti.
Napahaplos ako sa'king buhok at sumunod sa kanya sa paglalakad. Hindi ko namalayan nang makarating kami sa garden. "Napakaganda dito..." masaya kong sabi habang nililibot ang paningin. Nagkikislapan ang mga maliliit na ilaw na mayroong iba't ibang kulay. Mas lalong nagbigay ng ganda sa mga bulaklak. "Pero... mas maganda ang mga ngiti mo."
Bwesit Sebastian! Nakakasuka ang pagkalandi ng boses mo! sigaw ng isang bahagi ng aking isip na agad ko ring sinuway. Ngayon lang ako natuwa ng lubusan kay Amanda. Papalampasin ko pa ba? At ito ang matinong pag-uusap namin. Hindi ko alam kung anong nangyari nung mga panahong hindi ko na siya nakikita, pero pakiramdam ko ay iba ang Amanda ngayon kaysa noon. Nagiging madaldal na siya at nagkakaroon na siya ng emosyon. Nakita ko rin ang kanyang pagtawa. Siguro, pinapatawad na niya ang mga taong nagkasala sa kanya, lalo na si Apo. Nakakaya na kasi niyang pagsilbihan ito.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Fiction HistoriqueMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...