Ang Unang Pagkikita
Mateo POV
Ilang ulit akong napabuntong hininga habang nakatingin sa pangalang nakaukit sa mahabang pader -- Saferiane Camp. Ang paaralan ng mga mandirigmang Amianian. Pinapalibutan ito ng mahabang pader. Sa itaas nito ay may limang linya ng kabli ng kuryente para walang makatakas. Nakatayo ito sa maliit na islang malapit sa tirahan ng mga mamamayan. Mahabang tulay ang nag-uugnay sa dalawang isla.
Labag man sa aking kalooban na pumasok dito ay wala akong magawa dahil mandatory ito ng aming bansa. Ika-labing apat na taong gulang ko pa lang nung isang araw at katatapos ko lang ng grade 8 pero agad akong ipinasok ng aking mga magulang dito. Dalawang taong maninirahan sa kampo para sa pagsasanay. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Sana lang ay makaya ko ang pagsasanay ng isang mandirigma.
Napaigtad ako ng biglang bumukas ang gate. Malakas ang tunog ng bakal kaya ako nagulat. Muli akong napabuntong hininga bago pumasok. Kahit kinakabahan ay aaminin kong namangha ako sa aking nakita. Tumambad sa akin ang napakalawak na training ground. Kasing laki ng soccer area o mas higit pa dito. May grupo ng mga babae at lalaki ang nagsasanay ng espada, arnis at maging sa martial arts. Siguro kasing dami ng apat na batallion ang isang grupo.
Napangiti ako. Hindi na masamang pumasok sa Saferiane. Marami akong malalaman tungkol sa mga mandirigma ng Amian. Masaya naman sigurong maranasan ang buhay nila at kung paano sanayin para iligtas ang bayan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng hindi natatanggal ang paningin sa mga nagsasanay. Sumisigaw sila sa bawat estilo na kanilang pinapakita habang ang kanilang guro ay umiikot upang tingnan kung nasa tamang ayos ang kanilang mga kamay at paa.
"Hey! Watch out!"
Kasabay nang sigaw na aking narinig ang pagtama ng bagay sa aking mukha. Napangiwi ako sa sakit. Agad akong nakaramdam ng inis at galit.
"Tol, pasensya na. Hindi namin sinasadya."
Biglang umurong ang aking dila nang masilayan ang nagsasalita. Sumulyap ako sa apat niyang kasama bago sumagot. "A-ayos lang." Lintik! Pasalamat kayo, baguhan pa lang ako dito!
"Pasensya na talaga," huli nilang sabi bago ako iniwan.
Ilang minuto rin akong naglalakad bago narating ang hallway ng paaralan. Nakatitik-U ang tatlong palapag na building paharap sa gate, hindi ito nagpapatalo sa laki ng training ground na nasa gitna.
"Putek ka tol! Sinasabi ko sa'yo, hindi ako magpapatalo!"
Napahinto ako sa paglalakad nang may magpalitan ng sipa at suntok sa hallway habang nagtatawanan ang mga nanonood na studyante. Napangiwi ako nang tumama ang paa ng isang lalaki sa mukha ng kanyang kalaban, napamura ito sa sakit.
Grabe! Seni-seryoso talaga nila ang bawat binibitawang lakas.
"Mga mandirigma ng Amian!"
Natahimik ang buong paligid, natigil ang pag-aaway, ang atensyon ng lahat ay nasa lalaking sumigaw.
"Hinamon ng black shadow ang rayna ng legion!" muli nitong sigaw dahilan para maghiyawan ang lahat.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Ficción históricaMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...