Kabanata 46

3 3 0
                                    

Feeling scared

Mateo POV

Napangiti ako pagkatapos lagyan ng first aid ang sugat ng batang ito. Masasabi kong matapang siya dahil kahit hinugasan ko ng alcohol ang kanyang sugat ay hindi siya umiyak. Tiniis talaga niya ang hapdi.

"Yan! Tapos na. Hindi ba masakit?"

Napangiwi siya sa tanong ko. "Syempre po masakit!"

"Eh, bakit hindi ka umiyak?"

"Ang sabi ng tatay ko, kapag umiyak daw ang isang lalaki ng dahil lang sa sugat ay isang kaduwagan daw iyon. Kaya hindi ako umiyak kasi matapang po ako," nakangiti niyang sagot.

Ginulo ko ang kanyang buhok. "Ayos lang namang umiyak ang isang lalaki kung labis na itong nasasaktan."

Napaisip siya sa sinabi ko. Magsasalita pa sana siya nang magsalita naman si Loki.

"Teo, aalis na daw tayo," sabi nito.

Tumango ako saka ibinalik ang aking mga gamit sa loob ng box. Mabilis din na tumayo ang bata.

"Sasabihan ko si Ate Ganda," sabi nito saka mabilis na tumakbo.

Sinundan ko siya nang tingin at napangiti ako ng kay Amanda pala siya tutungo. Tsk, kahit bata ay naakit sa ganda niya.

"Ate, aalis na daw tayo!" malakas nitong sigaw.

Napakunot ang aking noo nang bigla na lang tumakbo si Amanda at halos takasan ako ng malay dahil sa aking nakita. Hindi ako makagalaw. Na parang naestatwa ako sa'king kinatatayuan. Nawalan ako ng lakas dahilan upang malaglag ang hawak kong medical kit. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanood si Amanda na parang nasa teleserye. Parang slow motion niyang tinakbo ang kinatatayuan ng bata habang hinahabol din siya ng mga pagsabog.

That moment!

Pinapanalangin ko na sana tumigil ang oras. Na sana nagbago ang ikot ng tadhana. O kaya ay sana bulag na lang ako upang hindi ko makita kung paano siya tumilapon dahilan sa malakas na pagsabog sa mismong kinatatayuan ng bata.

Halos takasan ako ng bait nang makita ko ang pagsabog ng katawan ng inosenteng bata. Nagkapira-piraso ito. Ang dugo ay tila ulan na nag-uunahang bumagsak sa lupa. Nagkikisabay sa nagkapira-piraso niyang katawan. Nagtakbuhan ang lahat upang i-rescue si Amanda na ngayon ay natatabunan ng makapal na usok. Kumilos ang lahat ngunit ako ay hindi magawang gumalaw. Nagsisigawan ang lahat ngunit ako, hindi ko man lang kayang ibuka ang aking bibig. Ayaw magproseso ang utak ko. Ayaw mag-function dahil kitang-kita ko ang aking sarili kung paano ko tinakbo si Amanda. Ewan ko, kung sa isip ko lang ba iyon ginawa o talagang nakita ko ang nangyari noon. Alam ko, alam kong nakita ko na ang pangyayaring ito.

Pinapanalangin ko na sana mali ang aking nakita. Ayos lang sana siya dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Ang katawan kong nanginginig sa takot. Ang puso ko ay mabilis ang pintig at ang isip ko na ayaw tanggapin ang nangyayari ngayon. Ito ang patunay na hindi ko kayang mawala siya sa akin. Ito ang patunay na hawak na niya ang buhay ko. Ito ang patunay na minahal ko na siya ng sobra.

"Teo, may sugat si Amanda!!"

Nang dahil sa malakas na sigaw ni Loki ay saka lang ako nahimasmasan. Halos liparin ko ang pagitan naming dalawa ni Amanda. May sugat siya sa kanang braso. Agad kong kinuha ang mga gamot sa medical kit ni Loki.

"Check the place! Hanapin n'yo kung may mga bomba pang nakatanim! And bring the people in the safe place!" utos ni commander.

Habang ginagamot ko siya ay pasulyap-sulyap ako sa kanyang mukha. Hindi ko makita sa kanyang mukha na nasasaktan siya. Tulala lang siyang nakatingin sa malayo. Napabuntong hininga ako ng sa mismong kinatatayuan ng bata siya nakatingin.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon