Kabanata 36

18 4 0
                                    

Kaba sa dibdib

Isang oras. Isang oras kong nakayang panoorin ang pagtulog ni Mateo. Isang oras akong nakatayo dito sa tabi ng kama niya habang pinagmamasdan ang mahimbing niyang pagtulog. Sa tulong ng dim light na nagmumula sa kanyang lamb shade ay nakikita ko ang gwapo niyang mukha.

Simula nang dumating ako kanina dito sa Amian ay pinili kong masilayan si Mateo. Tiniis ko ang pagod at antok para lang makita siya. Gusto kong malaman kung bakit hinahanap-hanap ko siya. Gusto kong malaman kung bakit lagi siyang tumatakbo sa aking isipan.

Nakapasok ako sa bahay niya ng tahimik. Ayaw ko naman siyang gisingin para lang makita ako. Hindi ko kayang maputol ang kanyang panaginip.

"Ammm..."

Sumilay ang ngiti sa aking labi nang umungol siya. Nagsasalita siya habang tulog. Dahan-dahan akong yumuko at nilapit ang aking tainga sa kanyang bibig. Hindi ko alam sa aking sarili pero gustong-gusto kong marinig ang sinasabi ng panaginip niya.

"Ammmda."

Napahigpit ang paghawak ko sa headboard ng kama ni Mateo. Hindi klaro ang kanyang sinabi pero tangjuice bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko at nagwawala ang isip kong pangalan ko ang sinisigaw ng labi niya. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa labi niya. Ano itong ginagawa mo sa akin, Sebastian? Anong ginawa mo at napapabilis mo ang tibok ng puso ko? At bakit? Bakit ako ang laman ng panaginip ko?

"Amanda..."

Nahugot ko ang aking hininga at sa hindi sinasadya ay napabitiw ako sa headboard dahilan para bumagsak ang aking labi sa labi niya. Gusto kong murahin ang sarili kong katangahan pero ang traydor kong puso ay tila natuwa. Nanlambot ang aking mga tuhod, hindi ko kayang iangat ang katawan at ilayo kay Mateo lalo pa't hinihiling ng traydor kong isip na huwag tapusin ang halik.

May parte sa puso ko na malungkot. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may kulang sa akin at si Mateo lang ang kayang magpuna nito. Ikaw pa lang ang nagparamdam sa akin nang ganito Mateo! Ikaw lang.

Humugot ako ng lakas para iangat ang aking katawan ngunit muli akong napasubsob sa labi niya nang bigla akong yakapin ng kanyang mga braso. Muli akong nagulat nang gumalaw ang kanyang labi. Una ay banayad lamang ngunit nang lumaon ay naging mapusok ito, para akong nalulunod sa mga halik niya. Hindi ko mapigilang hindi tugunin sa ganitong paraan, para akong mababaliw kapag natapos ito pero tangjuice bumagsak ang kamay niya sa kama saka muling naghuhumilik.

Nagulat man sa pagkadismaya ng aking sarili ay agad akong lumayo sa lalaking ginugulo ang buo kong pagkatao. Mabilis akong tumalikod pero natigilan ako nang makita ang aking larawan na nakasabit sa dingding ng kwarto ni Mateo. Napahawak ako sa aking dibdib nang mas bumilis pa ang pintig nito. Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa sobrang lakas. Habol ko ang aking hininga. Tila, minumulto ako ng aking sarili nang makita ang labi sa salamin na may ngiti. Sa buong buhay ko, ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganito.

"Mmm..."

Napaigtad ako nang muling umungol si Mateo. Nagmamadali akong lumabas ng kanyang kwarto. Putek! Ano bang nangyayari sa sarili ko? Pakiramdam ko, isa akong banyaga sa sarili kong emosyon. Kailangan kong magpa-check up. Kahit gusto ko ang nararamdaman ay hindi pa rin ito normal.





Loki POV

"Good morning Mrs. Scarlet!" bati ni Mateo sa matandang nakasakay ng wheelchair. Dalawang linggo na itong namamalagi sa hospital. Nagpapagaling mula sa isang operasyon.

"Good morning din Doc Sebastian, Doc Yap," magiliw namang bati nito kahit nakapaskil ang paghihirap sa mukha.

Ningitian ko ang matanda at bumati pabalik.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon