Kabanata 7

124 32 7
                                    

Pag-aalala mo ay kaligayahan ko

Nag-unat ako ng katawan nang makalabas kami sa Arnis Training Room.

"Sana ganito na lang lahat ang pagsasanay natin."

Napangiti ako sa sinabi ni Loki. "Sana nga pero sa oras ng digmaan, hindi nakakapatay ang baston."

"Ok na, basta nakakabugbog ng tao. Hindi naman ako papatay, ang magdugtong ng buhay ang pangarap ko. Hindi ba't pangarap mo ring maging doctor?"

Napatango ako. "Wala naman tayong magagawa. Mandatory ito ng buong Amian at tungkulin nating mga Amianian na ipagtanggol ang ating bayan."

"Kung sa bagay, teka... ano bang pinagkakaabalahan nila?"

Napatingin ako sa mga kasamahan naming inferior. Nagkumpulan sila sa pinto ng Wingchun Kung Fu Training Room.

"Ang gagaling talaga nila," rinig kong sabi ni Marco.

"Anong meron?" tanong ni Loki nang makalapit kami sa aming mga kaklase.

"Sparring ng mga A-class."

Sumilip ako at hindi ko napigilang hindi mapangiti nang makita si Amanda. Seryoso siya habang pinapanood ang laban ng kanyang mga kasamahan. Nasasanay na akong pagmasdan siyang walang emosyon.

"Woah!"

Napatingin ako sa mga naglalaban nang biglang magpalakpakan ang lahat. May nanalo na.

"Magaling ang bawat pinapakita ninyo. Natutuwa ako na mas lalo pa kayong lumalakas. Kaming mga masters ay hindi nagtuturo para ipakita sa inyo kung gaano kami kalakas, nagtuturo kami sa inyo para gawing mas malakas pa kaysa sa amin. Tungkulin naming mag-produce ng mga malalakas na mandirigma, basta para sa bayan, handa kaming magpapakababa," sabi ng kanilang master. "Umaasa akong ganoon din kayo sa hinaharap. Huwag ninyong ipagkait ang inyong natututunan. Ang mga tao ay lumilipas, gusto kong ipagpatuloy ninyo ang aming nasimulan. Henerasyon tungo sa henerasyon. Huwag ninyong hayaang mamatay ang ating kultura dahil ang bayan natin ay kailangan ng mga bayani, na handang magbuwis ng buhay para sa kalayaan nito. Kung ikukumpara tayo sa yaman ng mga armas at dami ng mga mandirigma sa ibang bansa ay walang-wala ang Amian. Kaya kailangan nating makaisa, kailangan nating matutong lumaban hindi para tapakan ang ating kapwa kundi para ipagtanggol ang ating bayan at mamamayan. Bawat pagsilang ng mga sanggol hanggang sa pagkamatay ay nakaukit na sa ating puso ang tungkuling alagaan, protektahan at mahalin ang bayan."

Kahit hindi ako maging mandirigma ay bayani pa rin ako ng Amian dahil ako ang kanilang doctor. Taga-gamot sa mga nasusugatan at nagkakasakit. Kung ang mga mandirigma ay pinuprotektahan ang bayan, kaming mga doctor naman ay pinuprotektahan ang bawat buhay ng mga mandirigma. At kung tutuusin, lahat ng mga may naiambag na kabutihan para sa bayan ay isang bayani.

"Amanda," tawag ni master sa babaeng bato. "Ito na ang huling sparring mo sa A-class. Mas maganda siguro kung magpakita ka muna ng inspirasyon bago iwanan ang grupo."

"Bukas pala ay magiging senior na siya. Ano kaya ang mangyayari kapag nakaharap niya at nakasama ang hari ng legion?"

"Hari ng legion?" Nagtataka akong napatingin kay Marco. Nakakagulat na may lalaking kasing lakas niya.

"Narinig kong usap-usapan ng mga junior. Baka daw si Thunder na naman ang magalit kay Queen dahil nakarating siya ng S-class ng walang kahirap-hirap."

"Grabe, may hari at rayna pala ang mga mandirigma. Malakas na si Amanda, excited akong makita ang haring sinasabi mo," natutuwang sabi ni Loki.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon