I love both of you
Niyakap ko mula sa likuran ang aking nakasimangot na asawa. Kanina pa niya tinititigan ang sarili sa salamin. Gustong-gusto niyang titigan ang katawan habang nakasuot lang ng panty at bra. Malaki na ang umbok ng kanyang tiyan at medyo tumaba na rin siya. Ang iniingatan niyang timbang ay nawala na. Matagal na siyang nagmamaktol ngunit hindi naman niya ma-control ang pagkain dahil nagagalit ako. At isa pa ay lagi siyang nakakaramdam ng gutom dahil sa iniinom na vitamins.
"Mas lalo ka lang malulungkot kung lagi mo na lang tinititigan ang sarili mo sa salamin."
"Tumataba na ako, Mat. Kakapusin na ako ng hininga sa pagsasanay nito at hihina na ang aking pagkilos."
"Hindi ka naman mataba. Nasa tiyan mo pa kasi ang anak natin kaya parang mataba ka tingnan."
"Tsk, ikaw lang naman ang nagsasabi na hindi ako mataba." Mas napangiti ako ng lalo siyang napasimangot.
"Mirror, mirror on the wall, who is the sexiest of all?" Buong pagmamahal ko siyang tinitigan sa salamin. "Pati ang salamin ay nagsasabi rin ng totoo. Ikaw ang pinaka-sexy na pinakita niya."
Napahagikhik ako nang makatanggap ako ng palo mula sa kanya.
"Pinagloloko mo ba ako?" Inis-inisan niyang tanong ngunit mapapansin naman sa kanyang labi ang paglabas ng kanyang ngiti.
"Mahal kita, hindi kita lolokohin."
Napatawa ako ng tuluyan siyang napangiti. "Ang corny mo, nakakainis. Osya, tumabi ka na. Maliligo na ako."
"Madulas sa cr, sweetheart. Please be careful," paalala ko.
"Mag-iingat po ako, Doc."
Kilos ninja kasing maligo si Amanda. Kaya hindi ko pinapa-lock ang pinto ng cr dahil natatakot akong may mangyaring masama sa kanya sa loob. Hinanda ko na ang damit pantulog niya. Nang hindi pa rin siya tapos ay lumabas na ako at nagtungo sa kusina para ipagtimpla siya ng gatas. Nakabalik na ako pero hindi pa rin siya nakakalabas sa cr. Walang pag-alinlangan kong binuksan ang pinto.
"Mateo!" gulat niyang sigaw sabay takip ng dalawa niyang kamay sa kanyang sarili. Tsk, ilang ulit ko ng nakita iyan. Kampante akong sumandal sa bukana ng pinto at walang balak na lumabas. "Kanina ka pa sweetheart. Nalalamigan ka na."
Inirapan niya ako. "Ang sabi mo ay huwag akong kumilos ninja!"
"Yes, I told you pero huwag naman masyadong matagal. Gusto mo paliguan na kita?"
"No need. Just get out," madiin niyang sabi bago ako tinalikuran.
Napabuntong hininga ako bago isinara ang pinto. Sumandal ako sa dingding at hinintay ang paglabas niya. Ramdam ko na naman ang inis niya. Kung maaari ay ayaw ko siyang bigyan ng sama ng loob dahil kung ano ang nararamdaman ng ina ay ganoon din ang nararamdaman ng aming anak. Ayaw kong lumabas ang anak kong nakasimangot.
Sinalubong ko agad siya ng yakap nang makalabas siya ng cr. "I'm sorry. I just love both of you. I don't want anything bad happen."
"Sorry din kung napagtaas kita ng boses."
"Ok lang sweetheart. Sige na, magbihis ka na."
Kahit kabuwanan na ng asawa ko ay mainitin pa rin ang ulo niya. Marahil frustrated lang siya dahil sa paglaki ng kanyang katawan. Kahit lagi na lang akong nasisigawan at natatalo sa pagtatalo namin ay mahal na mahal ko pa rin sila. Nakikita ko na sa hinaharap na under de saya ako sa aking mag-ina.
End
Editing completed: April 1, 2021
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Historical FictionMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...