Kabanata 31

6 5 0
                                    

Ang parusa ng isang kidlat

Amanda POV

Gabi. Tahimik ang paligid. Walang nakakapansin sa madilim na lugar na kinahihintuan ng aking sasakyan. Malaya kong pinagmamasdan ang mansyon ni Mr. Wood. Ilang araw ko na siyang sinusundan pero wala akong nakuhang impormasyon tungkol kay Usa. Ibang transaksyon ang kanyang pinagkakaabalahan. Naubusan na ako ng pasensya. Kung wala akong makuha sa kanya, mas mabuti pang tapusin ko na lang ang buhay niya. Sa kanang kamay niya na lang ako magtatanong.

Inayos ko ang aking hood, nagsuot ng maskara, gloves at isinabit ang espada sa aking katawan. Nagsiksik ako ng lazer gun sa lagayan nito na nakakabit sa kanan kong hita. Handa na ako para sa pagsugod. Binuksan ko ang pinto ng aking sasakyan ngunit muli ko itong isinara nang matanaw ang itim na van na huminto sa harap ng gate ng mansyon. Lumabas ang tatlong lalaking naka-mask at pinagbabaril ang gate. Para akong nanonood ng action movie. Live pa, kulang na lang ay pop corn.

Tsk. Kumikilos na ang kagrupo ni Mr. Wood. Isa itong babala na patatahimikin si Wood, oras na mahuli siya ng mga pulis. Siya ang sunod na target ng owtoridad dahil sa impormasyong binigay ko sa kanila. Ito ang plano ko, ang magulo ang grupo nila at maging third party sa kamatayan ni Wood. Tatapusin ko ang trabaho ng tatlong lalaking namaril. Ang mga kagrupo niya sa droga ang magiging sentro sa kaso, gagamitin ko ang pagkakataong ito at sisiguraduhin kong walang maiiwan na ebidensya na mag-uugnay sa akin.

Pagkatapos magpaulan ng bala ang mga armadong lalaki ay nagmamadali rin silang umalis. Nagpalipas muna ako nang ilang minuto bago lumabas ng sasakyan. Tulad ng dati ay madali akong nakapasok sa loob ng bahay. Nagkakagulo sila ngunit ang atensyon lamang ng mga bodyguards ay nasa pamilyang Wood kaya hindi nila ako napansin. Galit na galit ang boses ni Mr. Wood habang pinapagalitan ang kanyang mga bodyguards. Naririnig ko ang iyak ng mga babae pero hindi ko na iyon pinansin. Ang layunin ko ay parusahan ang nagkasalang si Mr. Wood. Kahit hindi ko siya patayin ngayon, kamatayan pa rin ang kapalaran niya dahil papatayin pa rin siya ng mga kasama niya sa droga.

Tulad ng ginawa ko nang pasukin ko ang kanyang mansyon ay binura ko ang aking imahe sa mga CCTV na aking nadadaanan at malaya kong narating ang kanyang opisina. Dito ko na siya hihintayin. Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng mga yapak. Mabilis akong nagtago sa madilim na bahagi ng silid, sa likod ng lagayan ng mga libro na malapit sa kanyang upuan.

Marahas na bumukas ang pinto at pumasok ang aking pakay kasunod ng kanyang kanang kamay.

"Punyeta! Hanapin mo ang mga hayop na bumaril sa harap ng aking bahay, Roger! Patayin silang lahat! At alamin mo kung sino ang nag-utos dahil pagbabayarin ko siya sa kanyang ginawa," nagagalit na sabi ni Mr. Wood.

"Opo boss."

"Idamay mo ang pwedeng idamay, mapaharap lang ang hayop na 'yan! Sige na, iwan mo muna ako!"

Tumango ang bodyguard bago lumabas.

Pinagmasdan ko ng mabuti si Wood. Inosente ang kanyang mukha, parang walang bahid na kasamaan. Talaga ngang hindi nakikita sa anyo ang pagkatao ng isang tao kundi nasa kalooban nito.

Hindi mapakali si Wood. Pabalik-balik ang kanyang paglalakad bago umupo sa sofa. Napayuko siya at mukhang malalim ang iniisip. Dahan-dahan kong kinuha ang katana sa aking likuran at ang aking laser gun na nakasiksik sa aking hita. Mabilis kong binaril ang switch ng ilaw. Kumalat ang dilim. Mula sa liwanag na nasa labas ng bahay ay kitang-kita ko ang kanyang pagkagulat at pagtayo sa kinauupuan. Dahan-dahan akong lumabas sa aking pinagtataguan.

"Sino ka?" tanong niya nang makita ang aking bulto. "Lintik! Paano ka nakapasok sa bahay ko? Hayop ka! Akala mo ba makakatakas ka dito?"

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon