Kabanata 11

120 29 6
                                    

Ang pagbabalik

Twelve years later...

Napakalaki ng mundo. Mundong pinalibutan ng tubig at pinaghati-hati ng mga bansang mayayaman at bansang pinagkaitan ng kaunlaran. Mga bansang pinagkaiba ng anyo ng lupa, klima, kultura, lahi at wika. May mga bansang demokrasya, monarkiya o iba pang uri ng pamumuno ngunit iisa pa rin ang layunin ng mga pinuno, ang bigyan ng maunlad na ekonomiya ang kanyang nasasakupan.

Magkaiba ang pananaw sa buhay at mayroon pa ring mga bansang gustong marating ang tuktok ng pinakauna sa lahat ng mga bansa. Hindi perpekto ang bawat bayan dahil mayroon pa ring karahasan ngunit hangad naman ng lahat ay kapayapaan. Hindi mawawala ang pangamba dahil nakatatak sa kasaysayan ang una at pangalawang digmaan ng buong mundo. Kaya hindi nakapagtataka ang paghahanda ng mga bansa sa hinaharap.

May iba't ibang uri ng batas ang mga bayan at ito ang tanging susi upang magkaisa ang mga mamamayan. Ang mahalaga ay irespeto at sundin ito ng mga tao, basta't hindi ito nakakatapak sa pagkatao. Kahit may mga tao mang hindi magustuhan ang isang batas ngunit kung ito naman ay nakakabuti sa lahat ay dapat ito pa rin ang masusunod.

"Dr. Mateo!"

"Huh?" gulat kong tanong kay Dr. Loki.

"Pambihira naman oh! Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka pala nakikinig! Para na pala akong tanga! Ano ba 'yang sinusulat mo?" nakasimangot niyang sabi.

Isinara ko ang aking notebook. "Natatandaan mo pa ba ang mga sinasabi ko sa'yo nung nasa kampo pa tayo?"

"Hindi na! Dalawang taon tayong nag-uusap do'n at ilang taon na ang lumipas, wala na akong matandaan kahit isa!" naiinis pa rin nitong sabi.

Tsk! Pilisopo!

"Seryoso 'tol. 'Yung mga tanong ko noon na kung bakit ganito ang mga batas natin? Bakit tayo nagsasanay sa pakikipaglaban? Kung anong meron sa labas ng Amian? Isinulat ko lang ang mga sagot."

"Pambihira! Nakalabas na tayo ng Amian at nanirahan ng tatlong taon sa Pilipinas pero hindi pa rin nawawala 'yang mga katanungan mo. Sana pala nagjournalist ka na lang."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Ilang taon na nga ang lumipas ngunit bawat taon naman ay nadagdagan ang mga katanungan ko tungkol sa mga pamumuhay ng mga Amianian. Kahit kunting panahon lang ang pananatili ko sa Pilipinas ay maraming katanungan akong nasagot. Maswerte ako noon dahil rank 1 ako sa Medical Board ng Cardiologist sa edad na 19 at mataas din ang rating ko sa apat na taong pagte-training. Nasa Artikulo 2 (Seksyon 1) ng aming batas na ang lahat ng Amianian na may mataas ang rango ay pwedeng mag-aral sa ibang bansa.

Natatandaan ko pang nagkasakit ako dahil sa pangungulila ko sa aking angkan. Unang pagkakataon na nawalay sa aking pamilya at sa bayan. Limitado kasi ang pagtawag ko sa aking pamilya. Hindi masyadong pinapayagan ni Apo na magkaroon ng ano mang uri ng connection o signal ang ibang bansa sa Amian. Natatakot ang Apo na ma-hack o mag-access ng iba ang privacy na meron kami. Mabuti na lang ay isa rin si Loki sa mga napili. Mula nung nagtraining kami sa Saferiane hanggang ngayon ay kami pa rin ang magkasama. Kahit naalibadbaran na ako sa pagmumukha niya ay mapapakinabangan naman ang kadaldalan niya dahil hindi ko maramdaman ang pag-iisa.

"Ano? Wala ka ng tanong tungkol sa bayan?" tanong ni Loki.

"Meron pa. May mga katanungan pa akong hindi nasasagot. Naiintindihan ko kung bakit mandatory ang pagsasanay ng pandigma. May nalalaman akong bansa na ganito din ang practice. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pinagbabawal ni Apo ang pagpasok ng mga turista, mga ambassador at mga negosyante sa bayan? Higit sa lahat, bakit limitado lang ang mga Amianian na nakakalabas ng bansa?" Napalingon ako kay Dr. Loki.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon