Her feelings
Mateo POV
Inubos ko ang huling patak ng alak habang nakatulalang nakatingin sa ilaw ng mga building na nasa aking harapan. Simula nang dumating kami dito sa U. S., hindi ako masyadong nakakatulog. Lagi na lang si Amanda ang tumatakbo sa isip ko. Kahit pagod ako sa training ay ayaw magpahinga ang aking diwa. Ang lagi kong ginagawa ay uminom para hilahin man lang ako ng antok. Isang maliit na bote ng alak ang aking nauubos tuwing gabi.
"Malapit ng magmid-night, gising ka pa rin?"
Gulat akong napatingin kay Loki. Hinahaplos niya ang kanyang mga mata habang lumalabas sa babasaging pinto ng veranda. Buti pa siya, madaling nakakatulog. Magkasama kami sa isang kwarto ng isang hotel dito sa U. S. Si Doctor Ung ay nasa kabilang silid.
"Hindi ako dinadalaw ng antok," sabi ko nang makaupo siya sa tabi ng aking upuan.
"Si Amanda ba ang dumadalaw?"
"Ayaw niyang mawala sa isip ko. Nag-aalala ako 'tol. Simula nang dumating tayo dito ay wala na akong narinig tungkol sa kanya. Alam mo naman kung paano siya mag-isip, masyadong agresibo lalo na kapag galit."
"Malapit na tayong umuwi."
"Ang hirap maghintay."
"Kaya ba alak na lang ang inaatupag mo? Nakakasama sa katawan 'yan, gumawa ka ng paraan."
"Ano naman ang gagawin ko?" malungkot kong tanong sa kanya.
Napakunot ang kanyang noo nang tumingin sa akin. "Puro na lang si Amanda ang nasa isip mo. Hindi ka man lang makapag-isip ng paraan. Takte 'tol, hindi mo nga alam kung naiisip ka rin ng babae mong bato."
Malamang hindi, walang pakialam 'yun. Nagawa nga niya akong iwanan pagkatapos niya akong halikan.
"Hello ma'am."
Napasimangot akong tumingin kay Loki nang bigla siyang may tinawagan. Nice talking.
"This is Dr. Loki Yap, Imperial Medical Rank 4. May I speak Marco Cua...thank you."
Napabuntong-hininga akong tumayo. Wala talagang nakakaintindi sa akin.
"Bro, pasensya na sa abala. Kailangan kitang contact-kin dahil nababaliw na si Teo."
Natigilan ako sa pagpasok sa loob nang marinig ang pangalan ko.
"Pwede mo bang ibigay sa amin ang Philippine phone number ni Amanda? Hindi... huwag kang mag-alala, alam namin ang rule. Oo... sige."
Malapad ang aking pagngiti nang tumayo si Loki para yakapin ako.
"Mahal na mahal talaga kita, hindi kita kayang tiisin."
"Siraulo." Natatawa kong pinalo ang kanyang likod. "Salamat."
"Bawal ang overseas call lalo na kapag sa Amian tayo tatawag pero sa Pilipinas ay hindi. Si Marco ang isa sa mga namamahala ng mga branch sa Pilipinas kapag wala ang mga Cruz. Alam ng kompanya ang mga phone number ng bawat Amianiang nasa labas ng Amian. Sige na, tawagan mo na ang karibal ko," natatawa niyang sabi bago pumasok sa loob.
Napapailing ako bago nagmamadaling tinawagan ang numerong binigay ni Marco. Nahugot ko ang aking hininga nang mag-ring ito. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso at hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan nang may sumagot.
"Wala ka bang balak na magsalita?"
Natigilan ako nang marinig ang kanyang boses na puno ng pagkairita. "A-amanda." What the heck? Bakit ba ako nabubulol pagdating sa kanya?
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Ficción históricaMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...