Kabanata 28

72 16 0
                                    

Ang limang ninja

Napadilat ang aking mga mata sabay kuha ng mabilis sa'king bushido wind dragon sa ilalim ng unan. Isinangga ko ito sa paparating na katana at sinipa ang tiyan ng taong nasa aking paanan. Napaatras siya dahil sa'king ginawa. Masamang tingin ang binigay ko sa kanya bago binitiwan ang aking espada.

"Kahanga-hanga ka talaga Light. Kahit tulog ay gumagana pa rin ang mga senses mo. Hindi ko inaasahang madali mong maramdaman na may panganib na paparating. Tsk. Hindi pa nga talaga kita kilala."

Naghikab ako. "What are you doing here, Wind?" Alam kung mahahanap nila ang aking kinaroroonan kahit wala akong sinabing lugar.

Nagtungo siya sa sofa. Nag-cross ng hita at braso. "Pinapatapos na ni Master Lorcan ang misyon mo."

Tuluyan akong umalis sa kama at nagpunta ng banyo para manghilamos. "May taong kasabwat si Wood. Kailangan ko munang hanapin ang taong iyon," sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng aking mukha.

"Alam na ba ito nila Master at Apo?" seryoso niyang tanong.

"Hindi. Saka ko na sasabihin kapag nakahanap ako ng impormasyon tungkol sa taong ito. Sa mga nalaman ko kay Wood, Usa ang pangalan ng kanyang kasabwat at mga tauhan nito ang tatlong lalaki na ating nahuli. Nakikisakay lamang si Wood."

"Paano ba 'yan? May misyon pa naman tayo."

"Buong team?"

"Yeah."

Napabuntong-hininga ako. Hindi pa nga tapos ang aking misyon ay binigyan na naman ako ni Lorcan ng bago. "Hindi ba pwedeng kayo na lang?"

"Malaking kaso ang misyon natin ngayon, Light, in-service."

Kapag in-service, ibig sabihin ay maglilingkod kami sa bayang Pilipinas. Kaming lima nina Thunder, Storm, Wind at Rain ay isang grupo na tinatawag na UNOP (Underground Ninja of the Philippines). Upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat buhay ng mga foces ng Pilipinas at ng kanilang pamilya, kaming mga UNOP ang sumusugpo sa mga gang, mafia at iba pang illegal na grupo. Ang sahod ay depende kung gaano kapanganip ang aming binabanggang grupo.

"Kailan darating ang buong ninja?"

"Sabay kaming dumating kahapon. Ang mga lokong 'yon, ako pa talaga ang inutusang hanapin ka!" nakasimangot niyang sabi.

Nagtungo ako sa kama upang kunin ang aking espada. "Nasa'n sila ngayon?"

"Nasa condo mo."

Marahas akong napalingon sa kanya. "Hindi ba't sinabi kong huwag kayong pumasok sa condo ko kapag wala ako?"

Nagkibit-balikat siya. "Sila lang, hindi ako kasama."

"Damn! Im fu*king kick their ass!" Ilang ulit akong napabuntong-hininga habang iniisip ang aking dadatnan. Noong huling pumasok sila sa aking condo ay parang binagyo ito. Ayos lang kung ako ang magkakalat dahil may dahilan ako para mag-ayos pero ang mga lintik, ni hindi man lang sila tumulong sa akin noon sa pag-aayos. Mga ninjang bigla na lang nagsitakasan. Sumasakit ang ulo ko sa kanilang kalat. Oras na maabutan ko sila, malilintikan sila sa'kin.

Hindi na ako naligo, agad akong nagbihis, nagsuklay ng buhok at naglagay ng kunting lipstick saka binirahan ng alis.

"Saan ka pupunta?" tanong niya nang makasakay kami ng elevator.

"Ililigpit ko ang tatlong tukmol na nasa aking condo," gigil kong sabi habang pinapatay sina Thunder, Rain at Storm sa aking isipan.

Napangiwi siya dahil sa aking sinabi. Pagkarating namin sa ground floor ay agad akong nagtungo sa counter at nagbayad.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon