Kabanata 47

39 13 0
                                    

Ang nakaraan

Binilisan ko pa ang pagtakbo habang hila-hila ko si Amanda. Tinatahak namin ang mahabang gintong tulay. Hindi ko makita kung anong nasa dulo nito ngunit alam kong patungo kami sa mundo ng mga buhay.

Pareho kaming napahinto ni Amanda nang may biglang nagsalita. Malaki at buo ang boses nito na nagbibigay kilabot sa akin.

"Ang nais ko'y inyong sinuway,
Hindi kayo magtatagumpay,
Hindi kayo magiging matiwasay,
Sa susunod ninyong buhay.

Dahil ako'y inyong kinalaban,
Ngayon kayo'y aking paparusahan!
Hindi ninyo mapipigilan
Ang itinakda ng inyong kapalaran!"

"M-mateo, n-nataakot ako."

Umiling ako sa sinabi ni Amanda. Kahit ako ay natatakot ngunit hindi ko matanggap ang maaga naming pagpanaw. Mahal na mahal ko siya kaya kahit labag sa batas ng mga patay ay kailangan namin muling mabuhay. "Babaguhin natin ang ating kapalaran, Amanda. Hahanapin kita sa mundo ng mga buhay, mamahalin ng lubusan at magsasama tayo hanggang sa ating pagtanda. Pangako 'yan."

Muli naming tinakbo ang gintong tulay hanggang sa maramdaman namin ang malakas na hangin. Tila, pilit kaming hinihigop nito. Pilit kong inaabot ang mga kamay ni Amanda ngunit ang aking katawan ay malayang sinasabayan ang malakas na pag-ikot ng hangin hanggang sa maramdaman ko ang init ng aking katawan. Init ng bagong isinilang.

"Hindi sila dapat mabuhay!"

Napalingon ako sa nagsalita. Galit na galit siyang nakatingin sa taong nakabalot ng tela ang buong katawan.

"Mangyayari ang nakatakda," sabi ng taong napakamisteryoso.

Gusto ko sanang makinig sa kanila ngunit parang may malakas na pwersang unti-unting binubura ang laman ng aking isipan hanggang sa humikab ako at tuluyang hilain ng antok.

"Mateo, gising."

Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata. Ramdam ko ang lungkot. Matinding lungkot na nasa puso ko.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon