Kabanata 22

12 5 0
                                    

I finally found you

"Dahan-dahan lang sa pag-inom Teo. Ayaw ko nang maulit ang pagtulog mo sa aming bahay," biro ni Ashley dahilan para mapalingon sa akin si Amanda.

Sinalubong niya ang aking titig sa kanya pero agad akong nagbaba ng paningin at muling uminom. Hindi ko kayang labanan ang masama niyang tingin. Wala akong ginawang masama pero pakiramdam ko ay nagkasala ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero matinding lungkot ang dumadaloy ngayon sa puso ko. Nasa tabi ko lang ngayon si Amanda pero tulad pa rin nung nasa Saferiane kami. Malayo ko pa rin siyang tinatanaw at hinahangaan dahil hindi ko siya kayang abutin, hindi ko kayang sabayan at pantayan kung anong meron siya ngayon.

Gusto kitang makasama ng matagal Amanda---

"Naku! Walang ibang ginawa itong si Loki kundi bumuntot kay Carmela at Mateo. Doble blade kasi!"

"Siraulo ka Mark! Binuko mo naman ako!"

"Oh, inamin nga niyang may pagnanasa siya kay Doc Mateo."

Gusto kitang makasama ng matagal--- dahil gusto kong makita ang mga ngiti mo pero hindi ganitong marami tayong kasama. Gusto kitang makausap nang hindi nauubusan ng usapan---

"Huwag kang tumawa," saway ko kay Amanda sa biruan nila Loki at Mark.

"Hindi ako tumatawa," depensa niya. Mapupungay ang mga mata niyang tumingin sa akin.

"Narinig kong humagikhik ka."

"Mateo, sila ang tumatawa, hindi ako."

"Katabi kita Amanda kaya alam ko."

"Katabi mo rin naman si Ashley."

"Huwag mong ibahin ang usapan."

"Hindi ko iniiba ang usapan."

Gusto kitang makausap nang hindi nauubusan nang usapan-dahil gusto kong makita ang other side mo pero hindi ganitong lasing ka. Gusto kong makita ang bawat reaction mo Amanda-mga reaction mong dapat ako ang unang makakita, ng tayo lang dalawa.

"Miss Amanda, sabi ng iba, ang taong may malakas na pangangatawan ay malakas din ang alcohol tolerance, isang shot naman diyan."

"Hindi na pwede pare," agad kong sabi kay Marco.

"B-bakit hindi pwede?"

Naiinis akong lumingon kay Amanda dahil sa kanyang tanong. Hindi ko pinansin ang mga tinginan sa amin ng buong grupo. "Lasing ka na."

"H-hindi agad n-nalalasing ang isang Imperial Force."

"Woah! That's our Queen!"

Napangisi siya dahil sa sigaw ni Storm na sinundan nang pagche-cheer ng iba.

"Come on 'tol. Huwag ka naman masyadong mahigpit."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Loki. Mabilis kong binawi ang bote ng alak kay Amanda at tinunga ito nang walang pag-alinlangan.

"Ah! Ano ba 'yan? Ang daya!" dismayadong sabi ni Rain.

"Grabe 'tol, feeling knight in shining armor, wala ka namang espada!" Muling nagtawanan ang aming mga grupo dahil sa sinabi ni Loki.

"Madami na ang nainom mo Teo," babala sa akin ni Ashley.

Ang naa-amaze na mga tingin sa akin ni Amanda ay biglang napalitan ng inis. Lumampas ang paningin niya sa aking katabi.

"H-hindi ka naman pala dapat malasing - Doc Mateo," nakangising sabi ng babaeng bato.

Napaigtid ang aking mga panga. "Happy birthday ulit 'tol. Pasensya na kung mauuna na kami." Tumayo ako at hinila si Amanda palabas ng kwarto. Hindi ko na narinig ang mga asaran nila sa amin.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon