Kabanata 32

4 4 0
                                    

Behind the Amian History

Mateo POV

Masama ang tingin ko sa larawan ni Amanda na nakasabit sa dinding ng aking kwarto. Binigay ito sa akin ni Loki, hindi ko alam kung saan niya kinuha. Ang sabi niya, kapag lagi ko raw nakikita ang mukha ni Amanda ay magsasawa na raw akong isipin siya. Takte, scammer ang loko, alas dose na nga nang madaling araw ay hindi pa ako nakakatulog. Pagod na ang mga talukap ng aking mga mata, gusto nang pumikit pero ayaw matulog ng aking diwa. Ang walang emosyong mukha ni Amanda ang laging naiisip nito.

Umalis ako sa kama at inis na nilapitan ang larawan niyang nakaharap sa higaan ko. Stolen shot ito, nakatingin sa ibang direksyon si Amanda pero nakikita pa rin sa tindig niya ang kayabangan.

"Ang yabang mo para pahirapan ako ng ganito," inis kong sabi sa larawan ng babaeng bato. "Alam mo bang hindi ikaw ang ideal girl ko? Ang babaeng gusto ko ay mapaghalaga sa buhay ng tao, mahinhin at maganda, hindi katulad mong---" natigilan ako at inis na hinilamos ang palad sa mukha. Namaywang ako sa harapan niya. "Hindi katulad mong pusong bato, mayabang, walang pakialam at--- takte—hindi ko matanggap. Wala kang pinapakita pero ang lakas ng dating mo sa akin. Ang katapangan mong tinapakan ang aking pagkalalake. Ang mga tingin mong nagpapabilis ng puso ko. Napaka-plain ng mukha mo, wala akong makitang maganda sa mukha mong walang emosyon pero putek--- kapag ngumiti ka--- pakiramdam ko ang mga ngiti mo ang hinihintay ko Amanda para muli akong mabuhay. Hindi mo alam 'yun, hindi ba? Hindi mo alam kasi wala ka namang pakialam sa paligid mo." Napabuntong-hininga ako ng malalim. Napakabigat ng nararamdaman ko ngayon. "Nababaliw na ako--- nababaliw na ako sa'yo Amanda. Kailan ka ba kasi uuwi? Masyado kang pa-miss. Akala mo naman patay na patay ako sa'yo. Mamamatay lang ako kapag hindi ka pa nagpakita sa akin at bumigay na itong katawan ko, kaya please patulugin mo na ako ngayon. Huwag mo akong masyadong isipin huh? Pakiusap huwag kang magulo, magpatulog ka naman."

Napapailing akong bumalik sa kama para humiga. Nababaliw na nga ako, pakiramdam ko ay kaharap ko ang totoong Amanda na hindi nagsasalita at walang pakialam. Bato rin pati larawan niya. Tsk, let me sleep tonight Amanda, please.

"Mashû! Mashû!"

Napaungol ako nang maramdamang may tumatapik sa aking pisngi habang tinatawag ang aking pangalan. Hindi ko ito pinansin.

"Mashû! Mezame Mashû!"

(Mateo, gumising ka na Mateo.)

"H-hayate?" pagod kong sabi nang masilayan ang kanyang mukha. "Nani?"

"Soko ni noboru! Sore o kite, watashitachiha Yamashita masutà o sukuudeshou."

(Bumangon ka na riyan. Suotin mo ito, ililigtas natin si Master Yamashita.)

Natataranta akong bumangon dahil sa sinabi niya. Ngayon ang araw na hahatulan ng pagkabitay si Master Yamashita. Suntok sa buwan ang aming gagawin pero kailangan naming subukan.

Nang umalis kami sa warzone ni Hayate ay dito sa sirang bahay kubo na ito kami napadpad. Magubat at malayo sa kabayanan. Tumayo ako sa papag at isinuot ang binigay niyang damit. Damit ito ng mga Pilipinong magsasaka. Hindi na ako nagtanong kung saan niya ito kinuha. Tahimik kong isinuot ang aking sombrero. Kailangan naming magsuot ng ganito para hindi kami mahalata ng aming kalaban.

Isiniksik ko ang pistol sa aking baywang at sumunod kay Hayate na lumabas ng bahay. Lakad-takbo ang aming ginawa.

"Mashû no tame ni kantan ni! Watashitachiha tsukamaerubekide wa arimasen!" sabi niya habang hinahabol ko.

(Magmadali ka Mateo. Hindi tayo dapat na mahuli.)

Nakarating kami sa bayang. Napayuko ako at pilit na tinatago ang singkit kong mga mata sa suot kong sombrero. Tahimik akong nakasunod kay Hayate hanggang marating namin ang presinto. Maraming nandito, mga Pilipino at mga banyagang naninirahan sa bayang ito, inaabangan nila ang pagbitay kay Master Yamashita.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon