Kabataan 15

41 10 10
                                    

The temple of Apo

Kaba? Lintik na kabang 'yan! Hindi ko maintindihan kung saan nagmula. Wala akong atraso sa mga Trinidad para kabahan ako ng ganito. Ang tanging alam kong kasalanan ay ang pagkakaroon ng interest sa pagkatao ni Apo. Hanggat hindi ako nahuhuli ng kanyang imperial ninja ay wala akong dapat ikabahala.

"Magandang gabi, mahal na Apo," nakayukod naming sabi. Nagtaas siya ng kanang kamay tanda sa pagbabalik ng bati.

Tulad nang una ko siyang nakita ay hindi siya sumagot. Nakabalot at napakamisteryoso. Ano ba talagang meron sa buo niyang katawan para takpan ng telang itim? Anong meron sa kanya na kahit ang boses niya ay pilit niyang tinatago? Hinding-hindi ako matatahimik hanggat hindi ko malalaman ang kanyang sekreto kahit si Amanda pa ang makakalaban ko.

Nakasunod kay Apo ang mag-asawang Trinidad, na sinundan din ng dalawa pang lalaki. Ngayon ko lamang sila nakita.

"Sino 'yung dalawang lalaking nasa hulihan?" tanong ng tsimosong si Loki.

"Si Alejandro Trinidad 'yung matangkad na lalaki, General ng Air Force at yung isa naman ay si Fernand Trinidad, ang Chief of Police. Mga uncle sila ni Amanda," sagot ni Storm.

"Wow, kaya pala tinatawag silang angkan ng mga mandirigma," namamanghang sabi ni Loki.

Kahit naman ako ay hindi makapaniwalang lahat ng forces ay may meyembro sa pamilya nila. Hindi lamang meyembro kundi mataas pa ang ranggo.

"Hindi na nakapagtataka dahil lahi sila ng grandmaster. Mga hari at rayna sila sa digmaan. Hindi biro ang mapabilang sa kanilang pamilya."

"Nakakakilabot naman pala si Amanda. Bata pa siya pero nasungkit na niya ang pinakamataas na ranggo. Mas mataas pa sa mga magulang at tiyuhin niya."

Bato kasi siya kaya siya ang pinakamalakas, biro ng aking isip sa sinabi ni Loki. Lihim akong napangiti ngunit agad din itong nabura nang walang Amanda akong nakita.

"Tsk, pa-missing na naman," rinig kong sabi ni Thunder.

"Hindi siya dumating."

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Loki. Umupo ako at sunod-sunod na nilagok ang wine. Malamang hindi 'yun pupunta. Masyadong mayabang si Amanda para lang magsuot ng dress at pumunta sa ganitong klaseng event.

"Hindi ko talaga alam kung hindi ba siya interesadong pumunta kapag hindi laban o sinasadya lang niyang magpahuli para sa malakas na grand entrance," inis na sabi ni Wind.

"Hindi na kayo nasanay. Ganyan naman talaga ang gawain ng nag-iisang Amanda Trinidad," nakangising sabi no Storm na sinundan agad ni Rain.

"Malamang tinamad na naman 'yung kumilos."

"Hindi 'yun darating, matutulog lang naman 'yun dito," balewala kong sabi bago uminom ulit.

Natigilan ako nang mapansin ang pagtitig nila sa akin. Hindi ko na kailangang lumingon kay Loki, malamang nakangisi na naman ang loko.


"N-napansin ko lang nung nasa Saferiane pa ako."

"Sus! Lagi mo naman talaga siyang napapansin," biro ni Loki na tinawanan nina Storm, Rain at Wind. Seryosong nakatingin sa akin si Thunder na hindi ko na lang pinansin.

Nagsimula na ang event. Nagkaroon ng speech ang apat na Royal Judge, ang may pinakamataas na ranggo sa gobyernong meritocracy na kasunod lamang sa position ni Apo Yamashita, ang monarch ng bayang Amian.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon