Espesyal na Kabanata

29 5 0
                                    

Cook for me

Naalimpungatan ako ng tumunog ang aking cellphone. Tumagilid ako ng higa at muli sanang matutulog ngunit tumunog ito ulit. Kinapa-kapa ko si Amanda pero wala na ito sa aking tabi. Napagpasyahan ko na lang na bumangon.

Napasimangot ako nang makita ang pangalan ni Loki sa screen ng aking cellphone. Tatlong araw na mula nang ikasal kami ni Amanda at tuwing umaga naman nambubulabog si Loki.

"Hoy, Teo, huwag mong araw-arawin ang honeymoon ninyo ni Amanda. Hindi kayo makakabuo niyan. Mas mabuti pang pumasok ka na sa trabaho dahil marami ng pasyenteng naghahanap sa iyo. Tsk, dinagdagan mo pa ako ng trabaho."

Mas lalo akong napasimangot nang mabasa ang text ng mabuti kong kaibigan. Napabuntong-hininga ako nang pumasok sa banyo. Paano ko maaraw-arawin, ni hindi ko nga mahawakan si Amanda kagabi. Tinulugan lang niya ako.

Naiinis akong naghilamos ng mukha pagkatapos ay kunot noong tumingin sa baba ng aking boxer.

You're such a pity buddy. You met your soulmate once.

Napakalupit! Noong unang gabi ko lang talaga nararamdaman ang sayang walang katumbas. Limang araw lang ang leave namin ni Amanda. Dalawang araw na lang ay babalik na kami sa trabaho. Nasisiguro kong madalang na lang kaming magkita dahil next week ay night shift na ako.

Nanghihina akong lumabas ng banyo at dirediretsong lumabas ng kwarto namin. Pababa pa lang ako ng hagdan nang may marinig na akong kaluskos sa kusina. Pagkatapos ng kasal namin ni Amanda ay dito na agad kami tumuloy sa bahay na niregalo ni mommy. Napag-usapan namin ng asawa ko na kapag araw ng trabaho ay sa condo ko kami titira ngunit kapag pareho kaming free ay uuwi kami dito sa lugar ng mga Sebastian.

Ang aga naman ni mommy, hiyaw ng isip ko.

Malapit lang kasi ang bahay niya dito. Malabo namang si Amanda ang magluto, wala iyong alam sa kusina. Nang magtry siyang magluto noon ay malapit masunog ang condo niya buti na lang ay nandoon ako. Siguro nasa garden ang asawa ko.

Nagtuloy-tuloy muna ako sa kusina para batiin si mommy pero napanganga ako nang makita ang aking asawa sa harap ng kalan.

"Damn!"

Nataranta akong lumapit sa kanya nang bigla siyang mapatalon. Napamura ang isip ko nang makita ang namumula niyang palad at mga sugat. Hinila ko siya sa lababo para hugasan ang kanyang mga kamay.

"G-good morning, Mat-mat."

Tumango lang ako sa sinabi niya. Muli ko siyang hinila papuntang mesa at pinaupo sa upuan. "Stay," seryoso kong sabi saka binalikan ang niluto niya ngunit muling napamura ang isip ko nang makitang sunog na ang hot dog. Pinatay ko ang kalan. Tiningnan ko na rin ang sinaing niya. Lihim akong napangiti nang makitang kinulang ito sa tubig at medyo sunog pa.

My wife torture our food. Again, she mess our kitchen.

Napabuntong hininga akong bumalik sa kinauupuan niya. "What is it in your mind?" Nagtataka siyang napatingin sa akin dahil sa aking sinabi. "Next time ay gisingin mo ako ng maaga para magluto."

Napayuko siya. "G-gusto ko lang namang ipagluto ka. G-gusto ko lang na maging m-mabuting asawa. B-baka.. baka iuwi mo ako sa amin d-dahil hindi ako marunog magluto."

Muli ay napangiti ako. Hindi ko akalaing takot pala si Amanda na mawala ako sa kanya. Lumuhod ang isa kong tuhod sa sahig para magkapantay ang mukha namin. Nawala ang ngiti ko nang makitang namumula ang mga mata niya. Pinitik ko ng mahina ang kanyang noo. "Silly, I never do that. Anyway, I teach you how to cook next time or maybe we cook together."

Nangislap ang kanyang mga mata sa tuwa. "Talaga?"

Natatawa akong tumayo. "Oo pero bago iyon ay gamutin muna natin iyang sugat mo." Napahawak siya sa aking leeg nang kargahin ko siya papuntang sala.

"I can walk, Mat-mat," nakasimangot niyang sabi ngunit hindi mapagkakaila ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Nah, I love to carry you," nakangiti kong sagot. Ngiting nauwi sa tawa ng suntukin niya ako ng mahina sa dibdib.

Lumapit kami sa drawer. "Get my kit."

Pagkatapos niyang kunin ay lumapit ako sa sofa para umupo. Pinaupo ko siya sa aking kandungan.

"Humarap ka sa akin, sweetheart," sabi ko habang pinipigilan siyang huwag tumayo. "Stay in my lap. Just spread your legs." Lubos-lubusin ko na ang paglalambing sa kanya hanggat may tuyo pa ang utak niya.

Naiilang siyang nag-iwas ng ringing. "P-pwede naman akong umupo ng maayos sa sofa, tsk."

Ramdam ko ang natetense niyang katawan. "Relax sweetheart. I already saw and touched the pearl inside your clothes." Napangiti ako ng mas lalo siyang pamulahan. "How about we make our child to make sure that I won't leave you."

"Mateo!" nagbabanta niyang sabi bago ako sinapak ng mahina sa aking tiyan.

Hindi ko mapigilang hindi mapahalakhak dahilan para tingnan niya ako ng masama. "Fine, I will stop. Come sweetheart, give me your hands."

Nandidilat ang mga mata niya nang makitang pinipigilan ko pa ring huwag matawa. Naiinis niyang ibinigay ang kanyang mga kamay. Nilagyan ko ng ointment ang mga paso at sugat niya. "Done. Ok let's eat the food that you cooked."

"S-sa labas na lang kaya tayo kumain."

"Why? I appreciate what you did. At saka sayang naman ang pinaghirapan mo kung itatapon lang natin." Ibinalik ko ang aking kit sa drawer. Inakbayan ko ang aking asawa ng muli kaming pumasok sa kusina.

"Sunog ang niluto kong ulam at saka parang hindi pa luto ang kanin."

"Makakain na 'yan."

Umupo ako sa upuan at saka nakangiting tumingin sa kanya. "Ok sweetie, para mas maging mabuti ka pang asawa, kunin mo na ang pagkain natin."

Seryoso siyang tumingin sa akin, mayamaya rin ay napangiti na siya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang sinusundan ko ang bawat pagkilos ni Amanda. Seryosong seryoso siya sa paghahanda ng pagkain namin. Masayang masaya ako dahil pinagbutihan niyang maging mabuting kabiyak ko.

The Amanda Trinidad that I used to know is finally turned into a lovely woman right now. Hindi na kasing bato nung una ko siyang nakilala. May pakialam na siya sa mga taong nasa paligid niya pero ang pagiging babaeng bato niya ang dahilan kung bakit nakuha niya ang aking atensyon. Whatever her attitude is, I still love her.

Kinuha ko ang kanyang pinggan para lagyan ng pagkain. Alam na alam ko na kung ilang kutsara ang kinakain niya sa umaga. Hindi siya nagra-rice sa umaga dahil madagdagan daw ang kanyang timbang. Mahihirapan daw siya sa pagte-training. Nakakatawa, kasi baliktad ang kanyang nakasanayan. Sa gabi siya malakas kumain kahit mahinang matunaw ang pagkain dahil patulog na siya. Ang sinasabi lang niya ay pagod daw siya buong araw at gutom kaya binabawi niya sa gabi.

My wife is unique that's way I love her.

Isang hot dog, isang tinapay, kape at isang saging ay busog na siya.

"Thank you, sweetheart," nakangiti kong sabi pagkatapos niya akong timplahan ng kape. Napalunok muna ako bago sinubo ang pagkain. Nilunok ko agad ito saka sinundan ng pag-inom ng kape. Nakakain naman ang niluto ni Amanda kaya lang ay nalalasahan ko pa rin ang pait ng ulam.

Natapos ang pagkain namin na puro ako salita. Ayaw kong bigyan siya ng pagkakataong malungkot dahil failed ang kanyang niluto. Gusto kong iparamdam sa kanya na masaya ako dahil pinipilit niyang mabuting asawa ko at mabuting ina ng magiging anak namin. Iyon ay sapat na.

---
Salamat po sa pagbabasa.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon