"Mahalin, ipagmalaki at ipagtanggol natin ang ating Bayan!"
- mensahe ni Kelly Gracious mula sa kwentong ito
Una sa lahat, buong puso akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng ganitong talento. Talento sa pagsusulat.
Hindi ako batikan sa larangan ng literaturang Filipino pero masaya pa rin ako dahil mayroon pa rin akong napapasaya, napapakilig, napapaiyak at napapalungkot.Maraming salamat sa mga "silent readers", sa mga sumilip at nagboto lang, sa mga bumabasa, nagbabasa at magbabasa pa lamang. At lalong maraming salamat sa mga taong binasa ito hanggang katapusan.
Sa lahat ng mga nangangarap ay huwag tayong sumuko dahil hindi tayo magtatagumpay kung magpapaapekto tayo sa sinasabi ng iba. Ang pangungutya nila sa ating sinulat ay huwag nating gawing sandatang nagpapasakit sa ating damdamin bagkos ay gawin natin itong panangga at sandatang inspirasyon upang iunlad ang ating mga akda.
Sa lahat ng mga sumusubaybay sa'king mga sinulat ay binabati kita. "Ikaw ang bida sa bawat kwentong sinulat ko dahil binigyan mo ng buhay ang walang buhay nitong karakter."
Maraming salamat!
Deo gratias!
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Historical FictionMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...