Kabanata 24

18 6 0
                                    

Makulit siya kapag lasing

Kung pwede ko lang sabihin sa kanyang mahal ko siya, kung pwede ko lang piliing makasama siya pero alam kong hangang kung pwede lang ako. May kanya-kanya kaming tungkulin sa bayan at ayaw kong aminin sa kanya ang aking nararamdaman ngayong paparating ang pagkakalayo naming dalawa. Mas papahirapan lang namin ang aming sarili. Gusto kong sabihin ang nasa puso ko kapag nagkaroon kami ng pagkakataong magkasama.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago tinapos ang pagligo. Ikinabit ko ang tuwalya sa aking baywang bago lumabas.

"Nakatulog ka ba sa banyo?"

Nagulat ako nang makita si Amanda na nakaupo sa aking kama. Nakakunot ang kanyang noo at tila, inip na inip.

"A-amanda. Pa-paano ka nakapasok?"

Ipinakita niya ang maliit na alambre. Napangiti ako ng ma-realize na pwersahan siyang pumasok. "Huwag mong ugaliing pumasok sa ibang bahay. Masama 'yan."

Napasimangot siya na nagbigay sa akin ng tuwa ngunit bigla akong natigilan nang tumayo siya at lumapit sa akin.

"Amanda w-ait---I'm nake-- what the--- are you drunk?" inis kong tanong nang maamoy ang kanyang bibig.

"N-nakainom lang. M-may nais akong ikomperma."

Shit! Mabilis kong hinawakan ang kamay niyang naglandas sa aking tiyan. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang kiliting dulot ng malambot niyang mga daliri. Ilang ulit akong napabuntong-hininga para pigilan ang kakaibang emosyon na nabuhay nang bumaba sa aking tiyan ang kiliti.

What the heck are you doing Amanda?

"M-may abs ka, m-mahilig ka ba sa mabibigat na bagay?"

Muli akong napamura nang ngumiti siya. "S-stop it. L-lasing ka na. Hi-hindi mo alam ang gina... gawa mo."

"A-ano bang ginagawa ko?"

Pinatalikod ko siya at mahinang tinulak papunta sa pinto ngunit bigla siyang humarap sa akin dahilan para magkabungguan ang aming katawan. Damn!

"Ma-may nais nga akong ikomperma."

"A-ano ba yon? Damn it Amanda! Hindi mo alam kung anong ginagawa mo sa akin," mahina kong sabi dahilan para sumilay ang pagtataka sa kanyang mga mata.

"Ano ba 'yang sinasabi mong ginagawa ko sa'yo?"

Mabilis kong hinawakan ang kanyang baywang at hinila palapit sa aking katawan. Napangisi ako nang sumilay ang pagkagulat sa kanyang mukha. Isinandal ko siya sa dingding dahilan para makulong siya sa aking mga braso.

"Alam mo bang gustong-gusto kong makita ang bawat reaksyon sa mukha mo." Napatitig ako sa kanyang mga mata. Mga mata niyang nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. "A-ano ba ang gusto mong ikompera. S-abihin mo na, baka hindi ko na mapakinggan. Sumasakit na ang puson ko Amanda." Lalo na kapag nakikita ko ang mga labi mong kay sarap halikan.

"H-hinalikan mo ba ako... sa kotse mo?"

Napangiti ako. "You remembered?"

"So, you did?"

"Well, confirm it Amanda... Kiss me nang malaman mo ang totoo."

Nabigla ako nang tinawid niya ang pagitan ng aming mga labi. Damn! I miss you so much Amanda.

Mas hinila ko pa ang kanyang katawan at diniinan ang paghalik sa kanya. Naramdaman ko ang pagkagulat niya nang ginalaw ko ang aking labi ngunit mayamaya lang din ay tinugon at sinasabayan niya ang bawat galaw na ginagawa ko.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon