She loves me
Mateo POV
Tinitigan ko ang bawat dot na nasa computer kung saan naroroon si Amanda at ang buong team niya. Kasama ang mga Pilipinong sundalo ay minomonitor namin ang bawat batalyong sumasabak sa giyera. Nandito rin sina General Mando at General Alejandro, minomonitor at nagbibigay command sa mga sumasagawa ng airstrike.
"Doc, matulog na po kayo. Kami na ang bahala dito," sabi ng kasama ko.
"Ayos lang. Hindi pa naman ako inaantok," sagot ko.
Hindi ako inaantok dahil lamang ang takot at kaba na aking nararamdaman. Ngayon ko pa lang masasaksihan ang pakikipaglaban ni Amanda sa mga rebelde. Hindi pala madali. Hindi madaling kontrolin ang sarili ko para huwag kabahan. Sumisikip ang dibdib ko at pakiramdam ko ay sasabog ito sa sobrang takot.
"Oh!"
Napatingin ako sa kape bago bumaling kay Loki.
"Pampawala ng antok."
"Hindi naman ako inaantok. Baka mas lalo pa akong niyerbyusin."
Napangisi ang loko dahil sa sinabi ko. Napapailing niya itong ibinigay sa isang sundalo.
"Bakit ka nandito?" tanong ko. Tapos na kaming manggamot kaya may oras na kaming magpahinga.
"Hindi ako makatulog. Nakukunsyensya akong matulog habang may mga kapatid tayong nakikipaglaban. Sana bukas ay matapos na ang digmaan."
Napabuntong-hininga ako. Sana nga dahil hindi ko na yata kakayanin ang takot na aking nararamdaman. Labis-labis ang pag-aalala ko kay Amanda lalo pa't alam kong hindi 'yon nag-iisip, basta bakbakan ay sugod lang nang sugod. Walang pakialam sa kaligtasan ni— Shit!
"Damn! Sinalubong ng mga rebelde ang grupo ni Amanda!" hintatakot na sabi ni Loki nang mapansin ang ibang kulay na dot.
Agad na lumapit sa amin ang dalawang general.
"Lucas, contact them!" agad na sabi ni General Mando.
"Yes sir." Mabilis na nag-dial si Lucas ng telepono.
Napahugot ako ng aking hininga habang nakakuyom ng mahigpit ang aking mga kamay. Kinakabahan ako habang pinapanood ang paggalaw ng mga dot. Ilang ulit akong napamura. Damn! Hindi ito ang plano. Palipat-lipat ang tingin ko kay Lucas at sa computer. Bakit hindi nila sinasagot?
"Sir hindi sila ma-contact!"
Muli ay napamura ako. Mabilis akong tumayo, lumapit sa sundalo at kinuha ang telepono. "Ako na. Susubukan ko." Ilang ulit akong nag-dial hanggang magring ito. Nagkaroon ako ng pag-asa ngunit nawala ito nang walang sumasagot. "Damn it! Answer this f**king phone!" galit kong sigaw. Nagtaas-baba ang aking dibdib. Mas doble ang kaba na aking nararamdaman.
Naramdaman ko ang kamay ni Loki sa aking balikat. "Relax bro."
"Nandoon si Amanda!" inis kong sigaw.
Paano ako magrerelax kung nasa panganib ang babaeng mahal ko? Nangako ako sa aking sarili na poprotektahan ko siya pero sa pagkakataong ito ay wala akong magawa. Nakakainis ang pakiramdam na gusto ko siyang ilayo sa panganib ngunit hindi ko magawa dahil hindi ko kayang lumaban. Hindi ko magawa dahil tungkulin at trabaho naming iligtas ang buhay ng iba.
Napapikit ako ng mariin. Hindi pwedeng maulit ang nakaraan. Kailangang mabago ang itinakda.
"Mukhang nagkaharap na sila."
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Ficțiune istoricăMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...