Apo vs. Amanda
(2013)
Malalaki ang aking hakbang papasok sa arena. Hindi ko pinansin ang mga studyanteng nag-aabang sa labas, lalo na ang pagsara ng pinto ng arena. Sumalubong sa akin ang katahimikan. Walang ibang tao dito sa loob kundi ako at ang taong nakatayo sa malaking entablado.
Mahigpit ang pagkakuyom ko sa aking kamao. Nangangalaiti ang aking mga ngipin habang masama akong nakatingin sa taong kinasusuklaman ko. Ang taong dahilan kong bakit kami naghihirap ni Master Yen. Kinuha niya sa akin ang aking kabataan. Kinuha niya sa akin ang aking kalayaan. Pinapatay ko siya sa aking isip habang papalapit ako sa kanya. Ang telang nakabalot sa kanyang katawan ay nagbibigay sa akin ng iritasyon. Aaminin kong natakot ako sa kanya noon pero pagkatapos ng hirap na pinagdaanan ko ay hindi na ako nakakaramdam ng takot, pwera na lang kay kamatayan.
Wala akong pakialam kung sino man siya. Hindi ako interesado sa kanyang mukha dahil iisa lang ang nasa isip ko ngayon, ang mapabagsak ang hari ng Amian.
"Ilabas mo ang lahat ng galit mo sa akin sa labang ito. Malapit ka ng magiging mandirigma, masama kung magtatanim ka ng galit," kampanteng sabi ni Apo dahilan para mapatiim-baga ako.
"Ikaw ang nagbigay sa akin nito."
"Dahil alam kung iyon lamang ang makakabuti para sa'yo."
"Paanong nakakabuti sa akin ang pahirapan ako?" galit kong sigaw.
"Pinapalakas kita, Amanda. Sa ngayon ay hindi mo pa ako naiintindihan pero darating ang panahon na papasalamatan mo ako."
"Kahit anong sabihin mo ay hindi mo maiaalis sa akin ang galit sa puso ko!"
Mabilis kong sinugod si Apo. Magkasunod na suntok at sipa ang pinakawalan ko pero lahat ay naiwasan niya. Ilang ulit akong napamura. Matagal na akong nagsanay, ginawa ko ang lahat para lumakas. Lahat ng paghihirap ay naranasan ko para lang matalo ko sa isang laban ang taong kinasusuklaman ko. Hindi ako papayag na hindi makaganti. Para kay Lolo at para sa akin, bibigyan ko ng hustisya ang paghihirap na binigay niya sa amin.
Binigyan ko ng pwersa ang bawat atake ko. Isang malakas na palm strike sa dibdib ang binigay ko kay Apo na nasangga ng kanan niyang kamay ngunit hindi pa ako tapos. Umikot ako para sipain siya sa mukha ngunit yumuko siya para lang suntukin ako sa gilid ng aking ribs. Napaatras ako at namilipit sa sakit. Malalakas ang atake ni Apo. Bawat tamang nanggaling sa kanya ay napakasakit pero hindi ako dapat magpakita ng kahinaan. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay walang-wala sa sakit na naranasan ko sa panahon ng aking pagsasanay.
Nag-iba ako ng estilo. Nagbend ang kaliwa kong tuhod habang nasa unahan ang kaliwa kong kamay, nakabukas ang kalahati nitong palad habang nakakuyom ang mga daliri. Samantalang, nakastraight ng padapa ang kanan kong mga paa at naka-spread sa ibabaw nito ang nakabukas palad na kanan kong kamay.
"Ipinagbabawal ang forbidden kung fu. Iyan ang dahilan kung bakit itinapon ko ang grandmaster sa lugar ng mga lobo."
Napatiim-baga ako.
"Binabalak mo ba akong patayin?" muling sabi niya.
"Kung mamamatay ka sa atakeng ito ay mas matutuwa ako."
Ang forbidden kung fu ay tinatawag ni Lolo na five point palm exploding heart technique with the combination of Muay Thai elbow strike. Ang elbow strike ay pampahina lamang ng kalaban ngunit ang five point palm ay nakakamatay, kapag tumama ang dulo ng daliri ko sa masilang bahagi ng biktima ay pwede na akong umalis. Limang hakbang, ang init sa katawan ng biktima ay kakalat hanggang unti-unting babawian ng buhay.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Historical FictionMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...