Babala: Huwag n'yo pong basahin ang mga comments. Comments pa kasi iyan nung original story pero ngayon in-edit ko bawat chapter. Ibang-iba sa original kaya hindi tugma ang bawat komento.
---
Mission
Amanda POV
Hindi ko makayanang tumingin kay Mateo. Pakiramdam ko ay tinutunaw ako ng mga titig niya. Parang lagi itong nais mang-akit. Nakakainis dahil sa tuwing sinusulyapan ko siya, ang kanyang labi agad ang aking nakikita. Mainit sa mukha kapag naaalala ko ang halikan naming dalawa. Napapalunok ako dahil parang tinutuyo ng alaalang iyon ang aking lalamunan. Putek! Hindi ko maintindihan kung bakit gusto ko siyang titigan, pero pinigilan ko ang aking sarili. Hindi ito ang tamang panahon para isipin ko ang nararamdaman ko sa kanya. Ano man itong lintik na 'to ay hindi ko dapat pagtuunan ng pansin. Malaki pa ang problema ko kay Usa. Ang dami pang problema ng Amian na dapat kung ayusin. Kung may sakit ako sa puso, kaya pa naman sigurong lumaban nito.
Napukaw ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita si Apo. Bigla kong naikuyom ang aking kamao. Ang lahat ng pansin ko kay Mateo ay biglang nawala. Ang nakasakop sa'king isipan ngayon ay ang pagsabak namin sa giyera.
Nagtagpo ang mga mata ni Lorcan. May mga pirata bang nakapasok nang hindi ko nalalaman?
"Sasabak kayo sa giyera sa Pilipinas, somewhere in Mindanao. Ang isa sa tatlong malalaking isla ng Pilipinas, kung saan naninirahan ang karamihang Muslim."
Nakahinga ako ng maluwag nang sinagot ni Lorcan ang aking tanong. Buti na lang dahil hindi ko sasantuhin ang mga piratang iyon. Nang magsanay ako sa pakikipaglaban, tinuro sa amin ang kahalagahan ng bayan para lamang sa mamamayang Amianian. Alam namin sa kasaysayan na sinakop ito noon ng mga banyaga at ginawang alipin ang aming mga ninuno. Noong nalaman ko ang pananakop, iyon din ang araw na sumumpa ako, hanggat buhay ako, wala nang makakatapak na banyaga sa aming bayan. Wala nang mag-aalis ng karapatan sa aming mabuhay ng payapa.
"Bakit naman dun kami makikipaglaban, Master?" tanong ni Thunder. "May kinakaharap pang panganip ang bayan natin ngayon. Delikado para iwanan namin ang Amian."
Kita ko ang pagkagulat ng dalawang doctor. Bukod kay Apo ay kami lamang mandirigma ang nakakaalam sa panganib na darating. Ayaw ng hari na malaman ng buong mamamayan. Ayaw niyang mamuhay ang Amianian sa takot.
"Nandito pa si Lorcan. Kaya niyang protektahan ang Amian."
Kung sa bagay, malalakas ang mga mandirigmang Amianian. Kakayanin nila kahit wala kaming mga ninja.
"Isa sa naging kasunduan ng Amian at Pilipinas ay magtulungan lalo na pagdating sa digmaan. Nakapasok ang mga Scorpion sa Mindanao. Sinasabi ng mga taga-roon na hindi iyon mga Scorpion kung hindi mga Jama Gang o mga rebelde. Nung araw na nagpunta dito ang Presidente ng Pilipinas ay hiningi niya ang ating tulong," si Apo ang sumagot.
Natatandaan ko ang pagpunta dito ng Presidente dahil isa ako sa sumundo sa kanya. Labag sa aking kalooban na magpapasok ng banyaga sa aming bayan. Kapag nagpapasok kami ng isang beses ay masusundan iyon ng pangalawa, pangatlo, pang-apat hanggang tuluyan na silang labas-pasok sa aming teritoryo. Ayaw kong dumating ang panahon na iyon ngunit hindi na ako kumontra pa ng si Apo na ang nagdesisyon. Ginagalang ko ang bawat desisyon niya dahil alam kong alam niya kung paano protektahan ang Amian Island.
(Two days ago)
Nakasakay ako sa chopper kasama ang general ng air force at isang piloto. Kami ang susundo sa Presidente ng Pilipinas. Lumapag ang chopper sa sarili naming airport. Tinanggal ko ang headset saka naunang bumaba. Ang bumungad sa aming paningin ay ang tatlong sasakyan ng panggobyerno. Nakatayo sa labas ng sasakyan ang limang bodyguard at tatlong sundalo. Nagmamadali kaming lumapit sa kanila. Nang makita kami ay bumaba ang Presidete.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Historical FictionMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...