Kabanata 34

4 4 0
                                    

Pagpasok sa sky 10

"Nicole Rosales, 32 years old at meyembro ng Tiger Gang. Pinabagsak na namin siya kahapon ng palihim, kaya walo na lamang ang natitira sa grupo. Kailangan na nating patumbahin ang walong meyembro bago nila matunugan na inisa-isa natin sila," sabi ni Thunder. "Medyo magkamukha kayo Light. Ang identity niya ang gagamitin mo para makapasok ka sa Sky 10."

"Hindi ba tayo sasabit dito?" tanong ko habang pinagmamasdan ang larawan ng babae. Medyo may edad na pero bata pa ring tingnan.

"Sa tingin ko ay hindi. Mahilig sa surgery si Rosales at pagpapaganda. Pinag-aralan na ni Wind ang mukha nito at pananamit."

"Light, kayang-kaya kong gayahin ang kanyang mukha. Make-up lang ang panlaban diyan. Nasisiguro kong hindi ka mahahalata," mayabang na sagot ni Wind.

"May video na rin akong nakuha," sabi ni Storm bago pinakita sa akin ang video ni Rosales na nasa party. "Dapat mong pag-aralan ang galaw niya Light."

"Kailan tayo susugod?"

"Mamayang gabi darating ang barko at magkakaroon ng pagpupulong ang mga Tiger Gang sa Sky 10. Dadalo ka Light at maghihintay kami sa labas ng pabrika, emo-monitor ka namin. Kikilos ka lamang kapag nalaman na natin kung anong binabalak nila. Hihintayin namin ang signal mo."

Napatango ako sa sinabi ni Thunder. Maaasahan talaga siya sa mabilisang pagkilos.

"Masyadong expose ang balat ko," napapangiwi kong sabi nang ibigay sa akin ni Wind ang damit na susuutin ko. Isang backless na dress na hanggang tuhod ang haba.

"No choice, magtataka ang kalaban kapag balot na balot ka," natatawa niyang sabi na mas lalong ikinainis ko. "Here, suutin mo na 'tong sandal."

"What the-paano ako makakakilos kung 6 inches ang ipapasuot mo sa akin? Are you killing me, wind?"

"Another no choice. Lahat ng mga sinusuot ni Nicole ay puro 6 inches. Paborito mo ang Naked Weapon, hindi ba? Gayahin mo na lamang silang makipaglaban habang nakasuot ng mataas na heels."

Napabuntong-hininga ako. "We're not in the movie."

"Mas perpekto pa sa movie ang ipapalabas mo Light dahil ikaw ang nag-iisang Imperial Force ng Amian. Kahit wala kami ay kayang-kaya mo silang talunin."

"Huwag masyadong malaki ang tiwala Wind. Hindi ko hawak ang oras ng buhay ko."

Hindi ako pwedeng maging kumpyansa. Paano kung matamaan ako ng bala na expected na sa isang labanan? Paano kung iyon na pala ang oras ng aking kamatayan?

"Bawat pagpatak ng orasan sa buhay mo ay ikaw ang gumagawa. Kapag hindi mo na kaya just retreat. Tulad ng ginagawa ng mga sundalo. Iyon ang mabuting gawin. Umatras sa laban para hindi masyadong mapahamak, magplano at magpalakas para sa muling pagsugod. Tulad ng buhay ng tao, kapag nasasaktan na ng sobra at napagod sa dami ng problema, ang pag-atras ang tanging paraan. Magpahinga, bigyan ang sarili ng katahimikan ng loob at bumalik sa Lumikha saka muling magpatuloy sa buhay," sabi niya na nagpakunot ng aking noo.

Ang dami niyang sinasabi, wala naman akong naiintindihan. Tangjuice! Paano ba kasi suutin ito! Kinulang ba sa tela ang gumawa nito?

Nanggigigil kong sinuot ang damit habang tinutulungan ako ni Wind. Pagkatapos ay ang mukha ko naman ang pinakialaman niya.

"Done! Mga devices na lang ang kulang, pwede ka ng sumulong," pagtatapos ni wind.

Nagtagpo ang mga kilay kong tumingin sa salamin. Hindi ko na halos makilala ang aking mukha, dahil ibang mukha na ang nakikita ko. Makati ang make-up at nabubwesit ako na naghahatid ito ng ibang pakiramdam sa aking mukha. Hindi ako sanay, masyado kasing makapal.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon