Lost of Amian
Halos paliparin ko ang sasakyan patungo sa Town of Montes ngunit agad ko rin itong pinahinto at galit na pinagpapalo ang manobela.
"Damn it! Damn it!" Gusto kong i-umpog ang ulo dahil sa galit. Gusto kong magwala. Napakasakit sa puso ang mga nangyayari ngayon. Gustong kumawala nito dahil sa lungkot at galit. Araw lang ang lumipas nang umalis ako ng Amian pero bakit tila isang taon akong wala para humina ang depensa namin? Paanong humantong sa kamatayan ang dalawang mandirigma ng bansa?
Nanghihinang bumagsak ang aking balikat. Pinalaya ko ang aking mga luha na kanina pa gustong kumawala. Ganitong-ganito ang aking nararamdaman nang mawala ang taong napakamalapit sa akin, si lolo. Hindi lang mandirigma ng Amian ang nawalan kundi teammate at kaibigan ko.
"Patawad Storm, patawad kung huli na ako. Huwag kang mag-alala, pinapangako ko, magbabayad ang taong gumawa nito sayo. Huhukayin ko ang sarili niyang libingan."
Marahas kong pinahiran ang aking luha. Pilit pinatatag ang sarili. Hindi pwedeng makita nila ako ng ganito. Nagluluksa ang buong Amianian dahil nalagasan kami ng isa sa mga napakalakas na mandirigma. Hindi pwedeng makita nila akong mahina.
Muli kong pinaandar ang sasakyan. Maraming tao ang aking nadatnan. Nakahanda sa paghatid kay Storm sa Sacred Place, isang bundok kung saan naninirahan ang mga babaylan.
Hinanap ng aking mga mata ang mga ninja at parang nadurog ang puso ko nang makita ang kalagayan nila ngayon. Umiiyak. Sa buong buhay kong kasama sila ay puro tapang ang nakikita ko pero ngayon ay matinding kalungkutan. Nakayakap si Wind kay Rain. Alam kong higit siyang nasasaktan. Parang aso't pusa sila ni Storm ngunit hindi makakailang may pagtingin sila sa isa't isa.
"Light..." Agad siyang yumakap sa akin, para siyang batang naagawan ng laruan. Iyak nang iyak na parang hindi kayang patahanin.
"Magsisimula na ang paglalakbay patungo sa banal na lugar," ani Thunder.
Sa banal na lugar kung saan nakahimlay ang mga Amianiang namayapa na. Napakalayo, siyam na oras bago makakarating. Nakakapagod maglakad ngunit walang nagrereklamo. Isang tradisyon ng pakikiramay. Iniuuwi ang Amianiang namayapa sa lugar ng kanyang angkan. Magdaraos ng seremonya para sa pamamaalam pagkatapos ay maglalakad para ihatid sa huling hantungan.
Nakarating kami sa saktong oras. Maraming taong naghihintay. Marahil nag-deklara ng holiday ang Apo. Bawat meyembro ng angkan ay may dumalo, paggalang sa taong namatay, na iisa kami ng pinagmulan at anak ng Amian.
Pinalibutan namin ang dalawang bomb fire. Ang isa ay para sa coastguard at kay Storm naman ang isa pa. Sinindian ang dalawa hanggang lumakas ang apoy. Pagkatapos kasing isilang at binyagan ang Amianian na sanggol ay magtatanim ng puno ang magulang dito sa sagradong lugar. Lalagyan ito ng pangalan upang hindi mawala. Kasabay nang pagtubo nito ay ang paglaki ng bata. Kapag namatay ang puno, naniniwala kaming hindi rin magtatagal ang buhay ng may-ari nito kaya kailangan ding alagaan ang puno. Puputulin ang puno kasama ang mga ugat at iyon ang gagamitin sa pagsunog ng katawan ng namayapang may-ari.
Lumapit si Apo kay Storm samantalang si Lyra naman sa coastguard. Naghawak-hawak kamay kami. Nag-alay ng panalangin na sana ay matiwasay ang kanilang paglalakbay sa kabilang mundo, pagkatapos ay isinalang na sa apoy ang katawan nila. Ang abo nila ay dadalhin ng babaylan sa pinakatuktok ng bundok, kasama ang mga magulang. Doon isasaboy ang abo. Sa lugar na iyon ay nagsama-sama ang abo ng mga Amianiang namayapa.
Natapos ang seremonya na iyakan ang maririnig. Mga hagulhol at pighati. Pasimple kong pinahiran ang aking mga luha. Hindi na ako nagulat nang biglang may yumakap sa akin, kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong ang nagmamay-ari ng mga brasong ito ay ang lalaking mahal ko.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Historical FictionMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...