Kabanata 4

170 37 5
                                    

Note:

Ang tunog po ng Apo ay Ah-po.
Long A po siya.
------------------------------------------------------

Panaginip ko ay nagkatotoo

Napabuntong hininga ako ng malalim. Naririnig ko ang pintig ng aking puso at nanginginig ang buo kong katawan. Kahit kinakabahan ay kailangan ko itong gawin.

Madilim ang paligid. Nakatago ako sa katawan ng puno habang binabantayan ang bawat galaw ng aking mga kalaban. May hawak silang mahahabang armas habang nakatingin sa malayo. Tila, binabantayan nila ang bahay-kubo. Tanging lamparilya ang ilaw sa bahay kaya hindi ko masyadong maaninag kung ilan ang tao sa loob.

Nakarinig ako ng kaluskos sa aking likuran dahilan para mapatalon ako sa aking kinatatayuan. Hinawakan ko nang mahigpit ang aking pistol at pilit inaninag ang mga mata sa kagubatan. Dahan-dahan akong naglakad at laking gulat ko ng biglang may isang babaeng lumantad sa aking harapan. Hindi ko inaasahan ang pagsuntok niya sa aking sikmura bago ako pinalo ng malakas sa aking ulo.

Damn! Panaginip lang pala pero parang totoo at hindi ako maaaring magmakali, si Amanda ang babaeng 'yon.

Napapailing ako sa naisip habang kinakapa ko ang aking dibdib. Tulad sa aking panaginip ay mabilis din ang pintig ng aking puso. Ganito ba katindi ang takot ko sa kanya para mapanaginipan ko pa siya? Hindi dapat ako matakot dahil wala naman akong kasalanan sa kanya.

Pinilit kong makabalik sa pagtulog ngunit gising na gising na ang aking diwa. Nagpasya akong bumangon para magpahangin sa labas. Agad sumalubong sa akin ang malamig na hangin nang makalabas ako ng barrack. Maliwanag ang buong kampo dahil sa dami ng mga ilaw kaya naaninag ko ang isang taong naglalakad sa hallway.

Mabibilis ang kanyang mga hakbang at ilang ulit siyang luminga sa kanyang pinanggalingan. Ang dalawa niyang kamay ay nakapamulsa sa kanyang jacket.

Napasingkit ang aking mga mata at pilit na inaninag ang kanyang mukha.

Amanda?

Napakunot ang aking noo. Saan siya pupunta sa mga oras na'to? Magpapahangin din ba siya tulad ko pero bakit pa siya lalayo?

Nagtataka ako nang lumiko siya sa isang hallway papunta sa kagubatan kung saan ginagawa ang military training. Hindi ako nagdalawang isip na sundan siya.

Napamura ako ng puro puno ang aking nakikita. Nilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko nakita ang anino niya.

"Psst!"

Napalingon ako sa sumitsit, hindi ko inaasahan ang mabilis na pagsuntok niya sa aking sikmura at pagpalo sa aking ulo. Napaluhod ako sa lupa at ilang ulit na napamura habang iniinda ang sakit na aking natamo. Pakiramdam ko ay umikot ang aking paningin. Napapikit ako ng mariin. Ganitong-ganito ang nararanasan ko sa aking panaginip. Hindi ako makapaniwalang nagkatotoo ang lintik na panaginip na 'yon.

Nanlilisik ang aking mga matang tumingin sa kanya. Nag-squat siya sa aking harapan at sinalubong ng walang emosyon niyang mga mata ang masama kong titig. Napatiim-baga ako. Ang sarap tusukin ng karayom ang patay niyang mga mata.

Who Am I? (Amian Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon