Death Martial Arts
Ang pangarap ko ay dugtungan ang buhay ng mga tao. Hindi ko kayang isipin na may isang babaeng walang pakialam sa buhay ng iba.
Paano mo nakakayang gawin ito, Amanda? Wala ka ba talagang pakialam sa lahat ng buhay? Bakit wala ka pa ring emosyon sa galit ni Master Lorcan? Hindi ka ba kinakabahan na makaharap ang isang Forces Royal Judge?
"M-master Cheng, a-no po ang Death Martial Arts?" interesadong sabi ni Loki.
"Ang Death Martial Arts ay pinaghalong Muay Thai elbow strike at five point palm exploding heart technique," sabi ni Master Cheng. Pinapakinggan ko ang bawat salitang binibitawan niya ng hindi natatangal ang paningin ko kay Amanda. "Isang tao lang ang naka-master ng five point palm exploding heart technique, walang iba kundi si Grandmaster Yen Trinidad. Ang una at huling gumamit ng estilong 'yan."
"Trinidad?" gulat naming sabi ni Loki.
"Ang lolo ni Amanda."
Parang bomba sa pandinig ko ang bawat salitang binibitawan ni Master Cheng. Hindi ko akalaing ganito kalakas ang angkan ni Amanda para magkaroon ang kalahi nila ng grandmaster. Naririnig ko na ito noon ngunit hindi ko alam na isa pala itong Trinidad.
"Maraming estilo ang Muay Thai elbow strike ngunit iisa lang ang layunin nito - ang bulagin at pahinain ang kalaban. Malakas ang pwersang nanggagaling mula sa siko kaya matinding sakit ang mararamdaman ng sinumang matamaan nito. Nung una ko itong nakita kay Grandmaster Trinidad ay tumalon siya sa ere, pinatama ang siko sa ulo ni master Ung at sinundan ng Five Point Palm exploding heart technique, dahilan kung bakit binawian ng buhay ang huli."
Hindi ako makakilos sa aking kinauupuan. "G-gaano kalakas ang f-ive point palm para bawian ng buhay ang m-atamaan nito?"
"Parang ahas na tinutuklaw ang katawan ng isang tao. Ang dulo ng daliri na tumatama sa limang kritikal na bahagi ng katawan ay magdadala ng kamatayan."
"S-aan-saan po ba ito pinapatama?" interesadong sabi ni Loki.
Tumingin sa gawi ni Apo si Master Cheng bago tumingin sa amin at umiling. Nakuha namin ang ibig niyang sabihin.
"Hindi ninyo pwedeng malaman. Kamatayan ang kapalit ng sinumang gagamit nito."
Nag-alala akong tumingin kay Amanda. "Na-naparusahan po ba ng k-kamatayan ang g-grandmaster?"
"Malaki ang ambag ng grandmaster sa kalayaan ng Amian sa mga mananakop. Lalo na sa martial arts natin ngayon kaya hindi siya pinarusahan ng kamatayan pero higit pa sa kamatayan ang pinagtapunan niyang lugar."
Ito ba ang dahilan kung bakit ginagawa mo ito Amanda? Naghihiganti ka ba sa nangyari sa lolo mo?
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Historical FictionMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...