Her treatment
Loki POV
Hindi maibsan ang sayang nararamdaman ko nang pumasok ang sasakyan ko sa palasyo. Dalawang araw na ngayon nang dumating kami galing sa misyon. Pinatawag kami ng Apo para personal na batiin sa matagumpay naming misyon. May binigay siyang maliit na handaan para sa amin. Binigyan din niya kami ng isang linggong pahinga bago bumalik sa trabaho. Gusto ko na sanang umuwi sa Town of Tan para makasama ko naman ang buo kong angkan. Manatili roon ng ilang araw pero nanaig ang kahilingan ng isip ko na makita ang babaeng abnormal. Hindi ko alam kung bakit, naiinis naman ako sa kakulitan niya pero simula nang mahalikan ko ang labi niya ay hindi na ito nawala sa aking isipan. Naiinis ako sa aking sarili dahil hindi nito makakaila na namimiss ko ang babae.
Tsk, mukhang nagbago bigla ang taste ko sa babae.
"Nakangiti kang mag-isa, para kang tanga, Doc."
Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Wind. Nandito siya sa aking harapan habang nakangising tinitigan ako. Nilibot ko ang aking paningin. Hindi ko na namalayang nandito na pala ako sa harap ng conference room. Nasa tabi rin niya ang nakakunot-noong si Storm habang nakatitig sa babae. Napangisi ako, itong dalawang ito, parang aso at pusa pero lagi namang nakabuntot sa isa't isa. Hindi na ako magtataka kung balang araw ay sila ang magkatuluyan.
"Ang daldal mo, pwede bang pumermi yang bibig mo?"
Napapailing ako dahil sa tinuran ni Storm. Alam kong kinukuha lang niya ang atensyon ni Wind. Inis namang napatingin sa kanya ang babae.
"Bakit inggit ka? Daldalin mo rin si kuya para maganda," turo nito sa paparating na sundalo.
Mahina akong napatawa saka sila niyaya na pumasok sa loob. Ilang ulit ko ng nasaksihan ang bangayan, asaran at labanan ng dalawa. Nakapagtataka ngang hindi pa nag-aaminan ang dalawang ito.
Pumasok kami sa conference room at agad hinanap ng aking mga mata ang babaeng abnormal. Nagbabakasaling dumalo siya sa party na 'to ngunit hindi ko siya makita. Agad akong nakaramdam ng disappointment na hindi ko alam kung saan nagmula. Napabuntong-hininga akong sumunod kina Wind at Storm nang magtungo sila sa mesa ng mga ninja. Doon din kasi nakaupo ang magaling kong kaibigan. Mula yata nang mag-aminan sina Teo at Amanda ay hindi na humihiwalay sa tabi niya ng kaibigan ko. Nakakaselos na.
"Tol, nakalimutan mo na ako," nagtatampo kong sabi nang makarating kami sa mesa nila. Mahina kong sinuntok sa braso si Teo.
"Umiral na naman yang kabaklaan mo," nakakunot noo niyang sabi habang tinatapik ako sa braso. Napangisi ako bago binati si Amanda na hindi na maipinta ang mukha. Mukhang naiinip na yata ang babae. Nakapatong ang kanang kamay ni Amanda sa hita ni Teo, pinaglalaruan naman ng lalaki ang mga daliri nito. Binati ko rin si Thunder na seryosong bumati pabalik sa akin. Putek, nakakakilabot talaga silang dalawa ni Amanda. Si Rain lang ata ang sinagot ako ng salitang pagbati.
Hindi pa ako nakakaupo nang matanawan ko ang babaeng hinahanap ko. Nakasuot siya ng dress na hanggang tuhod lang ang haba habang nakasuot ng mataas na heels. Bigla akong kinabahan ng magtama ang aming mga mata ngunit bigla niya itong binawi. Agad niyang binati ang kanyang kapatid at ang aking kasamahan. Para nga lang din siyang napipilitang batiin ako. Nakapagtatakang hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Dati-rati ay kinukuha niya lagi ang aking atensyon. Lagi siyang gumagawa ng bagay na napapansin ko. Lagi niya akong kinukulit pero ngayon parang hindi niya ako kilala. Nakakainis na parang hangin lang ako sa kanya kahit alam niyang nakatitig ako sa kanya.
"Long time no see, Amaya," hindi ko napigilan ang sariling baliwalain siya.
Saglit niya akong tinapunan nang tingin bago sumagot. "Long time no see, Doc Tan."
BINABASA MO ANG
Who Am I? (Amian Island Series 1)
Historical FictionMateo Sebastian -- Ang lalaking maraming katanungan sa kanyang pagkatao. -- Obsess sa pagtuklas ng kakaibang batas ng Amian Island. -- Itataya ang buhay sa pagtuklas sa pagkatao ng haring walang mukha, Apo Yamashita. -- Nahulog sa babaeng bato...