AN: At dahil may makulit akong kaibigan na inisstress ako na iupdate na 'to, eto na na. Pinagpaalam ko pa kay drifter_01 to ha! Haha. Matagal ko pa dapat ipopost 'to eh. Dahil dyan, matagal-tagal kayo maghihintay para sa next chapter. Tse! Haha.
O impakta! Para sa'yo 'to. Haha. Enjoy.
And since POV ni Aerin, ibig sabihin, ang pinakamaganda nyong author ang nagsulat nito, charot! Haha. Lablab.
=============================
AERIN'S POV:
"What the hell, AC? Are you out of your mind?" Well, that's Anne, my bestfriend. As usual, nagpapaka-OA na naman sya.
"I told you already na diba? I need this. I have to do this." determinadong sabi ko sa kanya.
"Nope. You're just being stubborn again. How many times do I have to tell you na you can ask your sister for help pero sobrang taas ng pride mo." I rolled my eyes dahil binanggit na naman nya yung Ate ko.
"And ilang beses ko na rin bang sinabi sa'yo na kahit anong mangyari, hindi ako hihingi ng tulong kay Clar? I don't need her help. I don't need anybody's help." bakit ba feeling nila, lagi ko na lang kailangan ng tulong? Hindi ba nila naisip na kaya ko naman na ako lang? Yung walang ibang taong inaasahan?
"Aerin Camila Harvey." napataas naman yung kilay ko dahil sa pagbanggit nya ng buong pangalan ko.
"I'm serious, Anne. I'll never ask for my sister's help. Gusto ko naman na meron akong masabi na pinaghirapan ko talaga. Yung sa akin talaga. Kahit eto lang." I told her. And talaga pinarinig ko yung 'pagpapaawang' tono sa boses ko.
"Kahit sa uncle mo?" ayaw pa nya talagang sumuko.
I shook my head as my eyes never left hers. I wanted her to know that I'm really serious about this 'thing'.
"Pero hello, mag-aapply ka as yaya ng anak ng Presidente ng Pilipinas. Sige nga, anong alam mo sa mga bata?" hay, papa'no ko kaya sya mapapayag sa plano kong 'to?
"I have cousins naman na younger than me no! Sometimes, inaalagaan ko sila." proud na sabi ko sa kanya.
"Talaga? Kelan?" she put her hands sa bewang nya habang nakataas yung kilay na nakatingin sa akin.
I glared at her. Malamang, alam nya na hindi naman talaga nangyari yung sinabi ko. Alam nya na hindi naman ako masyadong close sa mga pinsan ko na mas bata sa akin. Kay Ate lang naman ako close, kay Ate Cassy, at kay Ate Pam. And hello, ako yata yung pinakabata sa aming apat no!
"Fast-learner ako. Isang turo lang sa akin nung yaya ni Nicolo sa mga kailangan kong gawin, gets ko agad yon no!" mayabang na sabi ko pa sa kanya.
At ang bruha, nang-aasar na pumalakpak lang.
"Wow. At sure na sure ka na talaga na ikaw yung kukunin nilang yaya no?" sarcastic na sabi nya.
"Well, sa ganda ko ba namang 'to diba? Sino bang tatanggi sa akin?" sabay kindat ko sa kanya.
"Oo nga naman. Sa itsura mong yan Aerin, kukunin ka talaga nila. Look at you? Masyadong fashionista yung dating mo. Tingin mo, kung ako yung maghihire sa magiging yaya ng anak ng Presidente, kukunin kita? No way! Alam ko sa unang tingin pa lang na hindi ka mukhang yaya. Baka ikaw pa yung alagaan ng bata dahil sa kaartehan mo, pag nagkataon. Duh!" sabi pa nya habang tinitingnan yung itsura ko.
Agad ko namang tiningnan yung sarili ko sa salamin. Hmm, may point sya. Kahit ako naman siguro, hindi maniniwala na pang-yaya nga yung beauty ko. Pero hello, anong gagawin ko kung ganito na ako kaganda talaga?
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
ComédieSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...