Chapter 22

7K 346 29
                                    

AN: O, eto na ulit yung chapter ni Ateng drifter_01 😪 Enjoy 😘

==================================

OLIVIA'S POV:

I was humming a song habang nandito sa ilalim ng kinukumpuni kong sasakyan. Kanina kasi habang nagjo-jogging ako ay napadaan ako rito sa bandang likod ng palasyo. Naririto pa rin 'yung vintage car na kino-customize ko bago ako pumunta sa ibang bansa. Isa ito sa mga bonding namin ni Papa pero dahil nga sobrang busy niya at kinailangan kong mag-aral sa ibang bansa ay hindi na namin nagagawa, though may mga taong na nagme-maintain sa sasakyan.

"Shit!" I cursed nang medyo maipit ang daliri ko sa isang parte ng sasakyan.

"Olivia?"

I grinned when I realized kung sino ang tumawag sa'kin.

Si Aerin.

Lalong lumapad ang ngiti ko nang maalala ang nangyari sa kwarto niya at sa may garden. Our second first kiss. At napakasaya ko dahil pareho kami ng nararamdaman. She likes me! I can still feel the butterflies in my stomach when Aerin said she likes me too.

I rolled the creeper from under the car saka tumingin kay Aerin na nakapamaywang and looking expectantly at me. And looking very pretty too.

I smiled sheepishly before standing and dusting off my old jeans. "Hi. Bakit ka nandito?"

Hindi naman sumagot si Aerin, I raised an eyebrow nang mapansin kung saan nasaan ang tingin niya. Lumapit ako sa kanya and put my forefinger under her chin saka iniangat ang tingin niya. "My eyes are up here, Miss Harvey," I said huskily. "I know I look hot right now pero it is still rude kapag hindi mo tinitingnan sa mata ang kausap mo. Importante ang eye contact, Aerin."

Namula naman ito bago ako tingnan ng masama. "Hoy, Olivia, tigilan mo ako diyan sa kalandian mo, umagang-umaga," irap nito. "Bakit wala kang damit, ha? Baka mamaya kung sino pang makakita sa'yo. Sasapakin ko talaga sila."

"Jealous?" I teased. "Pwede silang tumingin hanggang gusto nila, pero they cannot touch," Kinuha ko ang kamay niya and put it on my exposed midriff, I leaned and whispered to her ear. "You're the only one who's allowed to touch."

She shuddered and I laughed. Pinagha-hampas naman ako nito sa braso habang namumula. "Ang landi mo talaga, Olivia!"

Natatawa pa rin ako nang hawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa pag hampas sa'kin. "Geez, woman, I was just teasing you. At isa pa, ikaw lang ang lalandiin ko, promise. Huwag kang nang mag selos diyan."

"Hindi ako nagseselos." She rolled her eyes, "ano bang ginagawa mo? Kanina pa kita hinahanap, mabuti na lang at may nakakita sa'yo na nagpunta banda rito."

"Wala man lang good morning kiss?" Inilapit ko ang pisngi ko sa kanya. "Here," I tapped my right cheek.

"Pakaarte," bulong nito pero binigyan din naman ako ng isang halik. I can feel her smile on the kiss. "Good morning, Olivia."

"Good morning, Aerin," I replied. "Napadaan ako kanina rito tapos I saw this baby tapos I decided to play for a bit. Matagal na rin nang huli akong mag-tinker ng sasakyan."

"May hindi ka ba alam gawin?" She put a strand of my hair na kumawala mula sa pagkakatali behind my ear.

I shrugged. "I'm a very talented person, Aerin. Swerte ka sa'kin."

"Ang yabang mo. Halika na, hinihintay na tayo nina Sofia para mag-almusal," hinila ako nito pero agad din kaming tumigil.

I looked at her confusedly. "What's wrong?"

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon