AERIN'S POV:
"Yung nabanggit ni Klang kanina, totoo ba? May posibilidad na in love ka sa isang babae? Sigurado ka ba dyan sa nararamdaman mo?" Bakit ba hindi ako makahanap ng tahimik ng lugar? Yung walang istorbo, yung tahimik lang at makakapag-isip ako.
Pero bakit ganon, habang tinatanong yon ni Maybelle, si Olivia yung pumasok sa isip ko? Tama nga ba si Klarisse kanina, senyales ba 'to nung gay panic na tinatawag nila? Akala ko nung una, gusto ko lang si Olivia, pero bakit parang iba yung sinasabi ng puso ko?
"I-I don't know." I honestly told her. Hindi ko naman kasi talaga alam.
"Nung tinanong ko sa'yo yon, may tao bang biglang pumasok sa isip mo?" bigla naman akong napatingin sa kanya. Papa'no nya nalaman yon?
"So meron?" tanong pa nya nung hindi ako sumagot.
Wala na lang akong nagawa kundi tumango kaya napangiti sya.
"Alam mo ba, si Clarence dapat yung susunod sa'yo dito pero sabi ko sa kanya, baka mas lalo kang hindi magsalita kaya ako na lang. Minsan kasi, mas nakakagaan na makipag-usap sa isang stranger kesa sa taong matagal mo nang kakilala." sabi pa nya.
"But you're not a stranger." sabi ko naman sa kanya.
"Pero never pa tayong nagkausap diba? Ngayon lang?" tumango naman ako. "So I think, pwede akong maging stranger sa ngayon. At alam kong kailangan mo ng kausap. Kailangan mong ilabas yang nasasaloob mo, Aerin. Mas makakagaan yan, promise." nakangiting sabi pa nya.
Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango.
"So, who's the lucky girl? Kilala ba sya ng Ate mo? Best friend mo ba, barkada mo, dating classmate, officemate?" sunud-sunod na tanong nya kaya napatawa ako. Ang dami kasi nyang sinabi pero wala naman kasi don.
"Wala sa mga nabanggit mo." sabi ko sa kanya kaya takang tumingin sya sa akin.
"Don't tell me sa social media yan ha. Nako, maraming nafafall sa ganyan. Konting usap, konting landi, sila na agad. Pero malalaman-laman mo, poser naman pala yung nilalandi mo or kaya, alagang camera 360." nakasimangot na sabi nya kaya mas lalo akong napatawa. At talagang yun yung naisip nya ha.
"She's not from social media or any other types of chat sites. Nakilala ko sya dahil sa new assignment ko sa work. Hindi ko masabing friends kami dahil parang hindi naman sya marunong makipagkaibigan. Ang cold-cold nya. Pwede nga syang maging si Elsa sa Frozen eh. Pero kahit ganon sya, may times na ang sweet-sweet nya sa akin. Yung nagiging protective sya. Tapos biglang babalik na naman sa pagiging cold. Alam mo yon, sala sa init, sala sa lamig. Binibigyan nya ako ng mixed signals. Hindi ko alam kung gusto nya rin ba ako or sadyang natutuwa lang sya sa akin." dere-deretsong sabi ko. Totoo naman kasi eh. Nalilito talaga ako kay Olivia.
"So recently mo lang sya nakilala, tama ba?" tumango naman ako. "At hindi sya kilala ng Ate mo?" tumango ulit ako. Duh! Hindi sya pwedeng makilala ni Clar no! At hindi nya pwedeng malaman yung tungkol kay Olivia dahil pag nagkataon, malalagot talaga ako ng bongga.
"Pwede bang wag mo muna syang sabihin kay Clar? H-hindi pa kasi ako ready eh." palusot ko. I know naman na maniniwala sa akin si Maybelle dahil nagpuppy-eyes ako sa kanya. At wala pang nakakatanggi dito, hihi.
"Sige. Pero kailangang ikwento mo sa akin lahat-lahat ng tungkol sa inyo nyang masuwerteng babaeng yan para masabi ko sa'yo kung in love ka nga, or naguguluhan ka lang talaga, okay ba yon?" nakangiting sabi nya kaya napangiti din ako at tumango.
Siguro nga, mas okay na may iba din akong masasabihan nito bukod kay Anne. At isa pa, at least etong si Maybelle, alam nya kung ano yung pakiramdam na ma-inlove sa isang babae so malamang, matutulungan nya ako kung saka-sakali.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
HumorSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...